2 imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage, dadalhin ng Philippine Coastguard sa WPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,072 total reads

Nagpapasalamat si Chief Chaplain Reverend Father Cost Guard Commodore Louie A. Palines kay Rev. Fr. Reynante “Nante” Tolentino, Rector ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Ito ay matapos idaos noong July 05, ang Mass for Peace sa Antipolo Cathedral na sinundan ng pagtanggap ng Philippine Coast Guard Chaplaincy ng dalawang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage na regalo ng dambana.

Ayon sa Pari, ang pasasalamat ay dahil sa layunin ng PCG chaplaincy na higit pang mailapit ang Mahal na Birheng Maria sa mga uniformed personnel.

“Unang-una po sa lahat ais ko pong pasalamatan ng Rector ng Antipolo Shrine International Shrine of Our Lady of Peace and good Voyage parehas na parehas po ang patrona ng BIrhen ng Antipolo sa Antipolo at dito naman po sa ting Philippine Coast Guard Maraming maraming Salamat, sa lahat ng mga tumulong sa amin sa pagbibigay ng image at ang ultimate na ating layunin na makasama sa ating mga Philippine Coast Guard Personnel, mga Officers sa ating mga panalangin,isama naman natin din ang Mahal na Birhen Maria,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Palines.

Labis din ang pagpapasalamat ni Fr.Tolentino sa pakikipagtulungan ng PCG na palakasin pa ang mga panawagan upang maisulong ang kapayapaan sa lipunan sa pamamagitan ng Our Lady of Peace and Good Voyage.

Ayon kay Fr.Tolentino, napapanahon ang pakikipag-ugnayan ng PCG upang idaos ang Mass For Peace at pagtanggap sa regalong handog ng Antipolo Cathedral na dalawang imahen dahil nahaharap ang buong mundo maging ang Pilipinas mula sa ibat-ibang uri ng digmaan at paniniil hinggil sa mga teritoryo na pinag-aagawan,
Dalangin ng Pari na maging mapayapa ang pagpapadala ng mga imahen sa West Philippine Sea kung saan ilalagak to sa isa sa mga chapels na ginagawa sa Lugar.

“Kaya yung isa po ay iikot sa mga kampo ng ating mga mencoast guard, ng mga stations at yung isa po ay sisikapin nilang madala sa kalayaan sa West Philippine sea. kaya tayong lahat mga kapatid ay sama-sama na manalangin para sa kapayapaan ng ating bansa ng ating mundo, Alam naman natin na kaylangang-kaylangan natin ang kapayapaa lalong-lalo na ang kapayapaan na nagmumula kay Kristo na inihahatid sa atin ng birhen ng Antipolo,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Tolentino.

Bukod sa Mass for Peace ay tinanggap din ng PCG Chaplaincy ang dalawang imahen ng Our Lady of Peace and Good Voyage na ipinarada mula Antipolo Cathedral hanggang headquarters ng PCG Chaplaincy Chapel.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 18,783 total reads

 18,783 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 105,729 total reads

 105,729 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 152,468 total reads

 152,468 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,340 total reads

 200,340 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 303,416 total reads

 303,416 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top