10-milyong katutubo sa bansa, dumaranas ng kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,963 total views

Inihayag ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na naranasan ng nasa 10 milyong katutubo sa bansa ang pinakamatinding kahirapan sa loob ng isang dekada sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon sa LRC Campaigns Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, tumaas ng 79-porsyento ang antas ng kahirapan sa mga katutubo mula sa 70-porsyento noong 2013.

Sinabi ni Dulce na sa pananaw ng nga katutubo, ang kasalukuyang kalagayan ng bansa ay patuloy na kahirapang bunsod ng diskriminasyon sa iba’t ibang aspeto.

“For indigenous people, the State of the Nation is a constant state of impoverishment rooted in systemic discrimination over public services, land and natural resource conflicts, and a chronic agricultural crisis,” ayon kay Dulce.

Napag-alaman sa pinakabagong datos na nakalap ng LRC na ang mga katutubo ay nahaharap sa 10-porsyentong agwat sa pagkakaroon ng access sa mga pangunahing pampublikong serbisyo kumpara sa mga hindi katutubo, kabilang dito ang mahahalagang serbisyo tulad ng tubig, kuryente, kalinisan, edukasyon, at seguridad sa pagkain.

“With more than half of indigenous peoples being employed in agriculture, their subsistence and livelihoods already affected by persisting inflation further suffered from the lack of anticipatory interventions from public authorities to El Nino. Government assistance so far is roughly just 38% of the almost P10 billion agricultural damages tallied in the country,” saad ni Dulce.

Iginiit din ni Dulce na sa mahigit 1.3 milyong ektaryang lupain ng mga ninuno na nasangkot sa alitan, lalo na sa malawakang pagmimina, ang pagkilala at proteksyon ng mga ninuno ay dapat mapabilis upang mabigyan ng pagkakataon ang mga katutubong komunidad na mapanatili ang kanilang kabuhayan.

Dagdag ng opisyal na magiging kawalang-katarungan kung ang mahalagang kalagayan ng isa sa mga pinakamahinang sektor ng lipunan ay hindi man lamang mabanggit sa SONA.

Dumalo sa ginanap na SIPA 2024 ang mga lider mula sa 15 tribo at iba’t ibang sektor ng lipunan, kung saan ang gawain ay nagsisilbing pagtutol ng mga katutubo para sa SONA ni Pangulong Marcos Jr.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,200 total views

 57,200 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,069 total views

 53,069 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,271 total views

 89,271 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,659 total views

 97,659 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,219 total views

 122,219 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top