AI, Social communications platfforms, gamitin para sa higit na pakikipag-ugnayan sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,068 total reads

Umaasa si Lipa Archbishop Gilbert Garcera na mapalaganap ng mga Catholic Communicators ang pananampalataya sa pamamagitan ng wastong paggamit ng Artificial Intelligence.

Ito ang mensahe ng Arsobispo sa unang araw at pagsisimula ng National Catholic Social Communications Convention (NCSCC) sa Lipa City Batangas sa pangangasiwa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Communications (CBCP-ECSC) katuwang ang Archdiocese of Lipa.

Ayon sa arsobispo, nawa sa kabila ng pag-usbong ng mga hindi wastong paggamit ng Artificial Intelligence ay mahalagang maisulong ang paggamit nito upang mapalaganap ang pananampalataya.

“Napakahalaga na pag-usapan natin ang bagay na evangelization way, our way of proclaiming, our way of telling people that there is God. Ito’y mahalaga para sa atin ngayon na kahit may mga AI, kahit na may mga maraming mga pagkakataon at platforms of communication, there is only one communicator; the great Lord who is the word of the God, word of the Father. And the Lord is telling us I love you all,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Garcera.

Ayon sa Arsobispo, katulad ni Hesus ay higit na abutin ng mga manggagawa ng Social Communications Ministry at Church Media ang mga mamamayan at mananamapalataya na may puso at pagkalinga.

Ito ay upang maipadama ang pagibig ng Panginoon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan na kailanman ay hindi mapapantayan ng Artificial Intelligence.

“My dear communicators, be it AI, the use of social platforms, and other ways of communication, always create the culture encounter with persons. Jesus, the communicator for excellence, has given us the basic truth of reaching out to people with a heart. I bless you all as you begin this,” ayon pa sa pagninilay ni Bishop Garcera.

Paksa ng NSCC ang ‘AI: Authentic Influencer for an Empowered Church’ na layuning mapalalim ang kaalamn at kasanayan ng mga kalahok na kinatawan ng Social Communications ministry at Catholic media sa wastong pagggamit ng AI sa pagpapalaganap ng pananampalataya.

Magtatapos ang pagtitipon sa August 8, na nagsimula noong August 5.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 26,643 total reads

 26,643 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 247,261 total reads

 247,261 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 281,933 total reads

 281,933 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 297,833 total reads

 297,833 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 332,454 total reads

 332,454 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top