Kauna-unahang katutubo, nagtapos ng kursong agrikultura sa kolehiyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,647 total reads

Tiniyak ng Caritas Manila na paiigtingin ang suporta at tulong sa mga katutubo upang makapagtapos ng karera sa kolehiyo.

Sa paggunita ng International Day of the Worlds Indigenous People’s, kinilala ni Caritas Manila Executive Director Fr.Anton CT Pascual ang kahalagahan ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang matinding pinsala ng kalamidad sa mga tao at kanilang kabuhayan.

Sa pagdiriwang ng IDWIP, kinilala ni Fr.Pascual ang Mangyan scholar ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila na si Agiston Cabato mula sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Sinabi ng Pari na si Agaton ang kauna-kaunahang katutubong YSLEP scholar na nakapagtapos ng kolehiyo sa kanilang komunidad.

“Sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Katutubong Mamamayan, ating itaas ang kamalayan tungkol sa mga kapatid nating katutubo, dahil sila rin ay may karapatang magkaroon ng magandang kinabukasan,” mensahe ng Caritas Manila. Ipinagmamalaki ng Social Arm ng Archdiocese of Manila na nagtapos si Cabato sa kursong Agriculture at layunin nitong maging isang licensed Agriculturist.

Bilang tulong sa layunin ng pamahalaan na makamit ang “food security”, inihayag ni Father Pascual na inirerekomenda ng Caritas Manila ang kursong agrikultura sa kanilang YSLEP scholars sa mga liblib na lugar sa bansa.

Ibinahagi ng pangulo ng Radio Veritas na isang libong slots para sa mga nagnanais kumuha ng agriculture related courses taon-taon sa hangaring patuloy na isusulong ang pagpapaunlad ng agrikultura ng Pilipinas para sa susunod na henerasyon.

Inihayag ni Fr.Pascual ang programa ng Caritas Manila na ma-develop ang “agri-entrepreneur at agri-business sa bansa.

“Mahirap ang programa para tayo ay makapaghanap ng mga kabataan na gustong bumalik sa pagsasaka at pangingisda, pero ito’y isang imperative, kailangan sapagkat ang bansa natin ay isang agricultural country, kailangan talaga, bumalik tayo sa agricultural sector pero kailangan, mas mechanized, modern ‘di ba. Kasi kung kagaya ng ginagawa ng mga lolo’t lola noon, na mga kalabaw pa rin, ay hindi na babalik ang kabataan diyan, at walang makitang kinabukasan. At napakababa ng kita ng magsasaka, kaya kailangan nating pag-isipan nang husto ang suporta ng gobyerno at ng private sector para madevelop natin ‘yung tinatawag na agri-entrepreneur, agri-business, magnegosyo ang mga kabataan sa bukid at sa dagat,“, pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas.

Sa kasalukuyan, mahigit kumulang ang YSLEP scholars ng Caritas Manila mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa datos ng United Nations (UN), 476-million lamang ang bilang ng mga indigenous peoples sa buong mundo.

Ipinagdiriwang ang IDWIP tuwing ika-9 ng Agosto na may temang “Protecting the rights of Indigenous Peoples in Voluntary Isolation and Initial Contact”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 61,845 total reads

 61,845 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 99,877 total reads

 99,877 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 134,005 total reads

 134,005 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 190,411 total reads

 190,411 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top