Maling datos ng administrasyong Marcos, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,920 total reads

Binatikos ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagiging anti-poor.

Binigyang diin ni Kejs Andres – Pangulo ng SCMP na obligasyon ng pamahalaan na paglaanan ng sapat na pondo ang mga programang nakatuon sa pagpapalago ng ekonomiya upang matiyak na mayroong sapat na pagkain ang taumbayan.

“Samantala, ang isang ekonomiyang para sa susunod na henerasyon ay ekonomiyang nagsasarili sa sariling paa at nakabatay sa pambansang industriya. Kailangang tiyakin ang nakabubuhay na sahod at trabaho para hindi na kailangang mangibang-bansa ng milyon-milyong Pilipino nang makasama pa rin nila ang kanilang pamilya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.

Ikinadismaya rin ng SCMP ang pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na hindi ‘Food Poor’ ang isang mamamayang kung kakayanin nitong gumastos ng hanggang 64-pesos kada araw para sa pagkain.

Ayon kay Andres malinaw na pagpapakita ito ng nabigong pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ibaba sa hanggang bente pesos ang presyo kada kilo ng bigas upang makapagbigay ng kalidad at murang bigas para sa mga Pilipinong nagugutom.

Ikinadismaya rin ni Andres na sa halip na magbigay ng pag-asa at tunay na mga datos para sa mga Pilipino, ipinakita ng NEDA na hindi nila alam o naiintindihan ang kalagayan ng mga mamamayan na kanilang pinagsisilbihan higit na ang kalagayan ng mga pinakamahihirap na sektor ng lipunan.

Panawagan pa ni Andres ang pagkakaroon ng mas pinatibay na programa sa sektor ng agrikultura na papalakasin ang lokal na sektor upang maiwasan na ang pagiging import-dependent higit na ng bigas na produktong dapat sana ay ang Pilipinas ang pangunahing taga-suplay sa ibang bansa.

Ang mensahe ni Andres ay matapos ihayag ng NEDA sa kanilang mga naging pag-aaral na hindi maituturing na mahirap ang isang mamamayang kung gumagastos siya ng higit sa 64-pisong halaga ng pagkain kada araw.

Sa bahagi naman ng simbahan, itinalaga ito ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa temang ‘Those who hope in the Lord will run and not be weary’ bilang paggunita sa 2024-2025 World Youth Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 27,529 total reads

 27,528 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 248,147 total reads

 248,147 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 282,818 total reads

 282,818 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 298,719 total reads

 298,718 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 333,279 total reads

 333,279 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top