Obispo, nababahala sa tumataas na inflation rate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,128 total views

Ikinababahala ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang epekto ng patuloy na tumataas na inflation rate sa naghihikahos na mga Pilipino.

Dahilan ng mataas na inflation rate ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, pagkain, transport fare, housing bills, electricity at water gayundin ang mga produktong petrolyo na lalong nagpapabigat sa pasanin ng mga ordinaryong mamamayan at manggagawa.

Nabatid sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 3.3-porsiyento ang inflation rate sa first quarter at pumalo ito sa 3.8-percent sa second quarter ng taong 2024.

Kaugnay nito, hinikayat ni Bishop Mallari sa mga apektadong mamamayan na kasama nila ang panginoon sa paglalakbay.

Hinimok ng Obispo ang mamamayan na lumapit sa panginoon at lalong pag-alabin ang pananampalataya sa panahon ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay. Ipinagdarasal din ng Obispo sa panginoon na bigyan ng lakas ng loob at katatagan ang mga dumaranas ng kahirapan at pagsubok.

Mga minamahal kong mga kapatid kay Kristo, lalo pang papag-alabin ang inyong pananampalataya sa Diyos sa panahon ng mga pagsubok at kahirapan ng buhay. Pagpalain po kayo palagi ng Diyos, bigyan Niya kayo palagi ng lakas ng loob at katatagan na upang maharap ang lahat ng hirap ng buhay,” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Pinaalalahanan ng Obispo ang mga mananampalataya na ilagay sa mapagpalang kamay ng Diyos ang hirap na pinagdadaanan.

“Ilagay sa mapagpalang kamay ng Diyos ang inyong pinagdadaanan, sa Kanyang mga kamay maraming milagro ang maaaring mangyari basta palagi nakahawak ang kamay natin sa Kanya,” bahagi pa mensahe ni Bishop Mallari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,079 total views

 46,079 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,948 total views

 41,948 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,150 total views

 78,150 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,887 total views

 86,887 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,309 total views

 112,309 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top