VP Duterte, pinagpapaliwanag sa 73-milyong pisong intel funds

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,379 total reads

Umapela ang Amihan Women’s Peasant Group kay Vice-president Sara Duterte na ibalik o ipaliwanag ang kuwestiyunableng 125-million pesos na confidential funds.

Sinabi ni Amihan Secretary General Cathy Estavillo na nagkulang sa pagpapaliwanag ang pangalawang pangulo sa paggastos ng pondong mula sa kaban ng bayan.

“Simple lang naman ang mga tanong, bakit ayaw sagutin? Garapalang manghingi at maglustay ng milyones pero wala man lang kahit katiting na accountability?” pahayag ni Estavillo sa Radio Veritas.

Nanindigan si Estavillo na karapatan ng mga Pilipino na malaman kung paano ginagamit ng mga opisyal ng pamahalaan ang pera ng bayan.

Kaugnay nito, hinimok ni Estabillo ang mga Pilipino na bantayan ang pagbusisi ng Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa isinumiting national budget ng ehekutibo para sa taong 2025.

“Maging mapagmatyag tayo sa paggamit ng gobyerno sa kaban ng bayan. Dapat nating tiyakin na ang bawat sentimo ay mapupunta sa pagsusulong ng interes ng malawak na hanay ng mamamayan at hindi sa bulsa at tiyan ng iilan,” ayon pa sa mensahe ni Estavillo.

Ang pahayag ni Estavillo ay matapos makatanggap ang Office of the Vice President ng “notice of disallowance” ng mabigong ipaliwanag kung saan ginastos o inilaan ng tanggapan ni VP Duterte ang 73-million pesos mula sa 125-million pesos na confidential funds noong 2022.

Naunang apela ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng transparency sa mga pondong ginagamit ng kanilang mga opisina upang maiwasan ang katiwalian at corruption sa pera ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 20,788 total reads

 20,788 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 57,600 total reads

 57,600 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 283,870 total reads

 283,870 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,337 total reads

 177,337 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,251 total reads

 270,251 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top