Pope Francis, muling umapela sa ‘world leaders’ na tapusin na ang umiiral na karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,304 total views

Muling umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa world leaders kabilang na ang mga magkatunggaling mga bansa na wakasan ang anumang karahasang nagdudulot ng kahirapan sa mundo.

Ayon sa santo papa dapat patuloy na isulong ang pakikipag-ugnayan ng bawat bansa para sa interes ng nakararami gayundin ang pagpapalaya sa mga dinukot na indibidwal lalo na sa Holy Land.

“I appeal that negotiations not be stopped and that the fire be immediately ceased, that the hostages be released, that assistance be given to the population in Gaza, where many diseases are also spreading, including polio,” bahagi ng pahayag ni Pope Francis.

Nangangamba si Pope Francis na lumaganap pa sa ibang lugar sa Palestine ang digmaan sa pagitan ng Hamas at Israel na labis na magdudulot ng pinsala sa lipunan at pagkasawi sa mga inosenteng sibilyan.

Makalipas ang halos isang taong sagupaan ng Hamas at Israel sa Gaza Strip iniulat ng Gaza Health Ministry ang humigit kumulang 40, 000 Palestinians ang nasawi habang ayon sa Israel mahigit isanlibo naman sa kanilang panig.
Umaasa rin si Pope Francis na palayain ang mga binihag na indibidwal upang ligtas na makabalik sa kani-kanilang mga kaanak.

Kamakailan lang ay natagpuan ng Israeli forces ang anim na bangkay ng mga hostages underground tunnel ng Rafah sa southern Gaza na ayon kay Israel Defense Forces Spokesperson Rear Adm Daniel Hagari brutally murdered ng Hamas ang mga biktima.

Nanindigan naman ang Hamas militant na ang pagkasawi ng mga hostages ay bunsod ng pagtanggi ng Israel na lumagda sa ceasefire deal.

Binigyang diin ng santo papa na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat mananampalataya lalo na sa pananalangin upang iiral sa Holy Land ang kapayapaan gayundin sa iba pang lugar sa daigdig na may digmaan tulad ng Ukraine at iba pang bansa sa Middle East.

Patuloy na idinulog ni Pope Francis sa kalinga ng Mahal na Birheng Maria ang kapayapaan sa buong daigdig gayundin ang patnubay ng Espiritu Santo sa bawat pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 12,885 total views

 12,885 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 63,569 total views

 63,569 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 69,698 total views

 69,698 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 99,383 total views

 99,383 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 117,692 total views

 117,692 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top