To renew and restore creation, mensahe ng Caritas Bike for Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,400 total reads

Naghahanda na ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa isasagawang 3rd Caritas Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing na mahalaga ang gawaing ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na krisis sa kalikasan.

Sinabi ni Bishop Bagaforo na ang Bike for Kalikasan ay paraan upang maipakita ang kahandaan ng bawat isa na kumilos para mapangalagaan ang nag-iisang tahanan.

“The Earth, our common home, is groaning as in childbirth, suffering from the exploitation and degradation we have inflicted upon it. As people of faith, we cannot stand idly by. The Caritas Bike for Kalikasan is our way of showing that we are ready to act with hope and responsibility, striving to renew and restore Creation,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Isasagawa ang bike caravan sa October 5, 2024 mula alas-5 ng umaga kung saan magbibisikleta ng 26-kilometro mula sa Xavier University paikot sa Cagayan de Oro City, at magtatapos sa Gaston Park malapit sa Saint Augustine Metropolitan Cathedral o Cagayan de Oro Cathedral.

Inihayag ni Bishop Bagaforo na ang sama-samang pagbibisikleta para sa kalikasan ay pagpapahayag ng pag-asa at patuloy na pagtupad sa pangakong tiyakin ang makatarungan at matatag na hinaharap para sa sangnilikha.

“As we pedal together through the streets of Cagayan de Oro, we are making a statement that we are ready to partner with Creation and work tirelessly for its preservation,” saad ni Bishop Bagaforo.

Katuwang ng Caritas Philippines sa gawain ang Archdiocese of Cagayan de Oro, Ecology Care, Ad Extra Ministries, at Archdiocese of Cagayan de Oro – Social Action Center.

Bahagi ito ng pakikiisa ng social arm ng CBCP para sa pandaigdigang pagdiriwang ng Season of Creation 2024 na may temang “To Hope and Act with Creation.”

Sa mga nais makibahagi sa gawain, bisitahin lamang ang facebook page ng Caritas Philippines o makipag-ugnayan kina Ms. Donna Echalico sa numerong 0995-096-9175 o kay Ms. Jing Rey Henderson sa 0905-546-9977.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 25,400 total reads

 25,400 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 48,137 total reads

 48,137 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 87,419 total reads

 87,419 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 121,547 total reads

 121,547 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 177,953 total reads

 177,953 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,846 total reads

 178,846 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top