Diocese of Marbel, nagdeklara ng climate emergency

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,589 total reads

Nagdeklara ng climate emergency ang Diocese of Marbel bilang panawagan laban sa umiiral na suliraning pangkalikasan sa kinasasakupang mga lalawigan sa Soccsksargen Region.

Noong ika-15 ng Setyembre 2024, inatasan ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas ang mga saklaw na parokya na basahin ang deklarasyon ng climate emergency sa mga Banal na Misa, bunsod ng mga nagaganap na pang-aabuso at pinsala sa likas na yaman ng South Cotabato, Saranggani, at General Santos City.

Tinukoy ni Bishop Casicas ang nagpapatuloy at malawakang pagkaubos ng mga bundok at kagubatan; walang tigil at malawakang pagsasagawa ng conventional o chemical-based farming; paggamit ng mapanganib na aquaculture technologies; at hindi pagsasabuhay ng sapat-lifestyle ng mamamayan.

“The abovementioned problems pose an extremely serious threat to food security and health of people and communities in the diocese, and persistently contribute to the continued warming and destruction of the planet earth, our common home,” ayon kay Bishop Casicas sa isinasaad sa deklarasyon.

Pinatututukan ng obispo ang talamak na ilegal na gawain sa Strict Protection Zone ng Mt. Matutum Protected Landscape; coal mining sa Barangay Ned, Lake Sebu; Tampakan gold and copper mining project, pagbabago sa local ordinance na nangangalaga sa Mt. Busa Local Conservation Area upang bigyang daan ang business permits ng mga mapaminsalang gawain; at ang binabalak na limestone quarry sa Maasim, Saranggani.

Nangako naman ang Diyosesis ng Marbel na itataguyod ang mga programa sa mga parokya tulad ng pagtatayo ng nursery at mini forest, material recovery facility, at pagbabawal sa paggamit ng single-use plastics.

Pinagtibay din ng diyosesis ang Setyembre bilang Season of Creation at Tree Growing and Clean-up Drive month, at binigyang-diin ang hindi pagtanggap ng anumang donasyon mula sa mga mapaminsalang kumpanya.

“With this declaration, we invite all the faithful in the diocese to join us in heeding the call of Pope Francis during last year’s celebration of Season of Creation: that we come together like many streams, brooks, and creeks finally merging in a mighty river to irrigate the life of our marvelous plant and our human family for generations to come,” ayon kay Bishop Casicas.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 18,836 total reads

 18,836 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 38,339 total reads

 38,339 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 78,012 total reads

 78,012 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 112,140 total reads

 112,140 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,545 total reads

 168,545 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,632 total reads

 178,632 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top