Pagbuwag sa Provincial at Regional Tripartite and Productivity Board, iminungkahi ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,582 total views

Nanindigan si Fr.Erik Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern na kinakailangan ng manggagawa na magkaroon ng iisang national minimum wage.

Tinukoy ng Pari ang patuloy na nararanasang mataas na inflation rate ng mga manggagawang Pilipino na nagpapataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa buong Pilipinas.

Nangangamba si Fr.Adoviso na dahil sa hindi magkakapantay na suweldo ng mga manggagawa na 361-pesos hanggang 645-pesos sa National Capital Region at mas mababa sa ibang panig ng bansa ay hindi lahat ng manggagawa ay nasusuportahan ang pangangailangan ng pamilya at nakakasabay sa mataas na halaga ng mga bilihin.

“Dito sa atin sa Pilipinas nananawagan tayo ng equal pay sa pagitan ng probinsya at ng Maynila kasi pagdating sa probinsya, iba na ang minimum wage, dito sa Maynila iba narin, pero ang palaging batayang tanong ng mga manggagawa bakit magkapareho ang presyo ng bigas sa Maynila kumpara sa probinsya,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Adoviso.

Hinihimok ng Pari ang mamamayan at opisyal ng pamahalaan na dinggin ang apela ng mga manggagawa sa karapat-dapat na wage hike at across the board national wage hike sa bansa.

Hinikayat ni Fr.Adoviso ang administrasyon ng pangulong Ferdinand Marcos Jr., na buwagin na ang mga provincial at regional tripartite wage and productivity board para magkaroon ng iisang minimum rate nationwide.

Naniniwala na nararapat na maging pantay ang oportunidad ng mga manggagawa na makapamuhay ng mayroong dignidad at hindi nangangamba sa pagkukunan ng panggastos araw-araw.

Isinulong din ng Pari ang equal pay para sa mga babae at lalaking manggagawa sa bansa at pantay na oportunidad sa mga kababaihan.

“Yan yung aming nananais, na buwagin yung provincial rate, pantay-pantay ng suweldo sa Manila at sa Probinsya, siyempre ng suweldo ng kababaihan ay pantay din sa mga kalalakihan na kung saan hindi pinapantay ang suweldo sa kasarian kungdi sa kasanayan, sa kaalaman at siyempre bigyan ng maraming opportunity ang mga kababaihan na sila din naman ay tumitingkad na yaman ng ating bansa,” bahagi pa ng panayam kay Fr.Adoviso.

Ito ang mensahe ni Fr.Adoviso sa pakikiisa sa paggunita ng ‘International Day of Equal Pay’ ngayong ika-18 ng Setyembre 2024.

Ayon sa mga pag-aaral ng Think Tank Group na Ibon Foundation, umaabot na ngayon sa hanggang 1,200-pesos ang daily family living wage upang masuportahan ng isang manggagawa ang sarili at limang miyembro ng pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 95,858 total views

 95,858 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 123,863 total views

 123,863 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 141,663 total views

 141,663 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 137,971 total views

 137,971 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 243,222 total views

 243,222 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 3,763 total views

 3,763 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »

I-alay ang buhay sa mahal na birheng Maria

 7,920 total views

 7,920 total views I-alay ang pananampalataya at buhay sa Panginoon at sa Mahal na Birheng Maria. Ito ang mensahe at pagninilay sa Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas

Read More »
Scroll to Top