Huwag gumamit ng plastic campaign materials, panawagan ng Obispo sa lahat ng kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,651 total reads

Hinikayat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang lahat ng mga kakandidato sa 2025 Midterm National and Local Elections na iwasan ang paggamit ng mga plastic campaign materials.

Binigyang diin ng obispo na bahagi ng paglilingkod sa bayan ang pangangalaga sa kalikasan kaya’t dapat itong isaalang-alang sa pangangampanya.

“An essential aspect of public service is caring for the environment. I urge all candidates for public office to thoughtfully choose biodegradable cloth tarps instead of plastic ones,” ayon sa pahayag ni Bishop Uy.

Aniya dapat ipakita ng mga kakandidato ang kanilang political will sa panahon ng kampanya sa pagbibigay tuon sa kasalukuyang sitwasyon mundo na nahaharap sa matinding epekto ng climate change.

Sa October 1 hanggang 8 itinakda ng Commission on Elections ang paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais kumandidato sa halalan sa susunod na taon.

Bagamat nakatakda sa February 11, 2025 ang simula ng 90-day campaign period ng national candidates at March 28, 2025 naman ang 45-day campaign ng local candidates ay kapansin-pansin naman sa mga pangunahing lansangan ang iba’t ibang campaign posters ng mga naghahangad magpapili sa eleksyon.

Sa nakalipas na 2022 National Elections naitala ng 20 toneladang plastic campaign materials ang nakolekta araw-araw ng Metro Manila Development Authority.

Matatandaang sa 2018 report ng United Nations Environment Programme isa ang Pilipinas sa limang mga bansang nakadadagdag sa plastic pollution sa karagatan. Sa datos naman ng Global Alliance for Incinerators Alternatives 48 million plastic bags ang average na ginagamit ng mga Pilipino araw-araw o katumbas sa 17.5 bilyong piraso kada taon.

Dahil dito patuloy ng panawagan ng simbahang katolika na suportahan ang single-use plastic ban sa bansa gayundin ang pagiging responsableng mamamayan sa pagtatapon ng kanilang mga basura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 209,777 total reads

 209,777 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,450 total reads

 244,450 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 260,350 total reads

 260,350 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 296,840 total reads

 296,840 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 302,983 total reads

 302,983 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top