Obispo, nakiiisa sa World Tourism day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,191 total views

Nakiisa si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa buong mundo sa paggunita ngayong araw ng September 27 bilang World Tourism Day.

Ayon sa Obispo, ang pakikiisa ay dahil napakahalaga ng turismo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas at gayundin sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga manggagawa o negosyanteng Pilipino na nasa sector ng turismo.

Nagagalak din na ibinahagi ni Bishop Pabillo na kabilang ang Palawan sa isa sa mga top tourist destination ng Pilipinas dahil sa magagandang anyong tubig at lupa na maaring bisitahin sa El Nido, Coron at San Vicente Palawan.

“Mayroon po tayong World Tourism Day, September 27 lalong-lalo na po sa amin sa Palawan na marami pong mga turistang dumadating sa amin, ito po ay isang biyaya din sa maraming mga pamilya na nakikinabang sa turismo higit na mayroong kaming El Nido, mayroon kaming Coron, mayroong kaming Coron at San Vicente na pinupuntahan ng mga turista,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo

Gayunpaman, ipinaalala ni Bishop Pabillo sa mamamayan at pamahalaan na panatilihing ligtas ang mga manggagawa sa turismo mula sa kapamahakan at anumang uri ng sakit.

Giit ng Obispo, bagamat maraming mabubuting epekto ng turismo sa kabuhayan ng mga mamamayan ay nararapat na magkaroon ng mga hakbang na titiyakin ligtas ang bawat isa mula sa anumang banta sa kalusugan na maaring dala ng mga turista katulad ng COVID-19, MPOX Virus, HIV Infection at iba pang sakit.

Umaasa ang Obispo na maging mapagmatyag din ang pamahalaan upang maiwasan ang mga kaso ng human trafficking at white slavery at iba pang ilegal na gawain na banta sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipino.

Panalangin din ni Bishop Pabillo ang kaligtasan ng mga manggagawa sa turismo higit na ng mga kababaihan at kabataan mula sa anumang kapahamakan.

“At ganun din po ang mga kaugalian ng mga banyaga na maaring hindi maganda para sa ating mga Pilipino at sa ating mga kristiyano, kaya habang nagpapasalamat tayo sa Diyos sa mga turistang dumadating ay maging maingat din tayo na hindi mapasama ang kalagayan ng ating mga tao lalung-lalu ng ating mga kabataan at ating mga kababaihan sa mga masasamang maaring impluwensya ng turismo sa atin,” bahagi pa sa panayam ni Bishop Pabillo.

Ngayong taon, ginugunita ng United Nations Tourism Organization (UNTO) ang World Tourism Day sa temang ‘Tourism and Peace’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 782 total views

 782 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 33,864 total views

 33,864 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 62,215 total views

 62,215 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 129,945 total views

 129,945 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 153,038 total views

 153,038 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 8,295 total views

 8,295 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top