Pagtatalaga sa pangulo ng CBCP bilang Cardinal ay pagsasabuhay ng simbahang sinodal-de Villa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,288 total views

Naniniwala ang dating kinatawan ng Pilipinas sa Vatican na ang pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ay isang ganap na pagsasabuhay sa pagkakaroon ng Simbahang sinodal.

Ayon kay former Ambassador to the Holy See Henrietta De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David bilang bagong Cardinal ay isang patunay na ang Simbahan ay sadyang kaisa ng bawat isa sa lipunan.

Partikular na ikinalugod ni De Villa ang pagkakatalaga sa kasalukuyang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan na bagamat maituturing na isang maliit na diyosesis sa bansa at naging tila sentro ng karahasan noong panahon ng War on Drugs ng pamahalaan ay hindi naisantabi at binigyang pagkilala ng Santo Papa.

Paliwanag ni De Villa, ang pagkakatalaga kay Cardinal-elect David ay isang patunay sa pakikiisa o ganap na pagiging sinodal ng Simbahan sa lipunan.

“Natuwa ako kasi para talagang ngayong with that appointment of Bishop Ambo [David] as Cardinal na ang church cares about the small ones yung peripheries nabibigyan ng halaga, nabibigyan natin ng pansin kasi who would think na ang [Diyosesis ng] Kalookan na napakaliit, I would even say that it’s in the underside of the Metropolis dahil mahirap at saka nandiyan pa nga yung before lahat yung Tokhang, yung mga EJK victims nandiyan naka-concentrate, kaya tuwang-tuwa ako na ang appointment na yan means to say that yung Synodality na ‘no one is left behind, everybody walks together’ lahat binibigyan ng pansin kahit yung maliliit nabibigyang buhay.” Bahagi ng pahayag ni De Villa sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni De Villa na siya ring national president ng Mother Butler Guild, sadyang napapanahon ang una ng tinuruan ni Cardinal-elect David na higit na pagpapaigting ng Simbahan sa misyon nito sa lipunan na mas higit na mapalapit sa kawan ng Panginoon na nahihiwalay at nawawala sa landas patungo sa Diyos.

Giit ni De Villa, hamon rin ito sa bawat layko upang higit pang maging tunay na tagapangasiwa hindi lamang ng likas na mga biyaya ng Panginoon kundi maging ng kanyang kapwa.

“As Bishop Ambo said, the church now goes out to those who don’t go to the church anymore. Ang church na ang nagre-reach-out like a mother na ang laging ang mas pinag-uukulan ng pansin, yung mga anak na may kapansanan, may sakit or yun nawawala, or yung naghihiwalay yun ang binibigyang pansin na it’s also a sign for us lay people of how we should be, welcoming, loving and not exclusive, inclusive love.” Dagdag pa ni De Villa.

Si Cardinal-elect David na kasalukuyang punong pastol ng Diyosesis ng Kalookan ay siya ring Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang magsisilbi bilang ika-sampung Pilipinong Cardinal kung saan nakatakdang isagawa ng Vatican ang consistory para sa mga bagong cardinal sa December 8, 2024 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 58,381 total views

 58,381 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 86,386 total views

 86,386 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 104,186 total views

 104,186 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 101,736 total views

 101,736 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 209,826 total views

 209,826 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 3,684 total views

 3,684 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top