NHCP, nagpaabot ng pagbati sa Cardinal-designate David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,436 total reads

agpahayag ng pagbati ang National Historical Commission of the Philippines sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng Simbahan.

Ayon sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, bilang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan at Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naging aktibo si Cardinal-elect David sa pakikipagpagtulungan sa komisyon upang isulong at bigyang halaga ang kasaysayan ng bansa.

Ibinahagi ng NHCP na kabilang sa partikular na naging ugnayan at pagtutulungan ng komisyon at ni Cardinal-elect David ay ang mga nakalipas na pagdideklara ng National Historical Commission of the Philippines sa ilang mga makasaysayang Simbahan sa Diyosesis ng Kalookan kabilang na ang “Simbahan ng Navotas” noong December 10, 2021 at ang “Katedral ng Kalookan” noong March 31, 2022.

“We greet the Most Reverend Pablo Virgilio S. David, D.D. for his upcoming elevation to the rank of cardinal in the Roman Catholic Church. Bishop David currently serves the Roman Catholic Diocese of Kalookan and is the President of the Catholic Bishops Conference of the Philippines. In these capacities, he actively collaborated with the government’s cultural agencies. He warmly welcomed the NHCP when it unveiled the historical markers “Simbahan ng Navotas” on 10 December 2021 and “Katedral ng Kalookan” on 31 March 2022.” bahagi ng pagbati ng NHCP.

Kinilala rin ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang tuwinang pagbabahagi ni Cardinal-elect David sa kanyang mga pagninilay at homiliya ng kahalagahan ng pangangalaga sa kasaysayan at pagpapatuloy sa mga pamana ng naunang henerasyon sa kasalukuyang panahon.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng pananabik ang NHCP upang patuloy na makipagtulungan at makipag-ugnayan kay Cardinal-elect David para sa patuloy na pagpapanatili at pagtataguyod ng kaalaman at kamalayan sa mayamang kasaysayan ng Pilipinas hindi lamang sa bansa kundi maging sa ibayong dagat.

“He also frequently integrated history and heritage in his homilies. We look forward to working with Cardinal-designate David to preserve and promote historical knowledge and consciousness both in our country and abroad.” dagdag pa ng NHCP.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 75,158 total reads

 75,158 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 112,432 total reads

 112,432 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 146,561 total reads

 146,561 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 202,968 total reads

 202,968 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 30,776 total reads

 30,776 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top