Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,142 total reads

Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province.

Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal. Advincula, hiniling niya sa lahat ng pari, team ministry moderators, mga rectors, at chaplains sa Arkidiyosesis na makiisa sa gawaing ito bilang pakikiisa sa mga nasalanta.

“My heart and prayers go out to all those affected by Typhoon Kristine particularly in Bicol Region and Quezon Province. We extend our sincere gratitude to the churches and homes that opened their doors to accommodate those affected. The solidarity among Christians is deeply felt in times like these,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Inaasahang lahat ng makokolekta sa ikalawang koleksyon ay direktang ilalaan para sa agarang tulong sa mga nasalanta, kabilang na ang pagkain, tirahan, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sa bagong kautusan, ipinagpaliban ang koleksyon para sa Prison Awareness Sunday sa November 3, 2024.

Ang mga pondong malilikom ay dapat isumite sa Accounting Office ng Arzobispado de Manila bago o hanggang 30 Oktubre 2024.

Sa gitna ng trahedyang dulot ng Bagyong Kristine, umaasa si Cardinal Advincula na patuloy na maipadama ng mga Katoliko ang malasakit at pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagkakawanggawa.

Una na ring naglabas ng P1.2 milyong piso ang Caritas Manila bilang paunang tulong para sa mga diyosesisi sa Bicol na labis na nasalanta ng bagyo.

Makakatanggap ng tig-P200,000 ang Archdiocese of Caceres; mga diyosesis ng Libmanan; Virac; Legazpi, Daet; at Sorsogon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 61,128 total reads

 61,128 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 99,183 total reads

 99,183 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 133,311 total reads

 133,311 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 189,717 total reads

 189,717 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top