Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,185 total reads

Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga.

Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik sa kanilang mga tahanan at nananatili pa rin sa hindi lamang mga itinakdang evacuation centers kundi maging sa mga Simbahan, paaralan at covered courts sa lugar na patuloy na nangangailangan ng pagkain, malinis na tubig, gamot, hygiene kits, mga kumot, flashlights, sleeping kits at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

“We experienced the worst flooding ever due to Typhoon Kristine. All of lowland Naga and other parts of Bicol were submerged under the floods. People had to swim for safety. Some died. At the moment, many families are still in other houses and evacuation centers like parishes, schools, barangay hall, covered courts, etc. They need food (non-perishable like rice, canned goods, biscuits), water, medicine, hygiene kits, innerwear, blankets, flashlights, sleeping kits, and other essentials.” Bahagi ng panawagan ni Archbishop Alarcon.

Ayon sa Arsobispo, ang anumang donasyon na maaring maibahagi ng bawat isa ay malaki ang maitutulong para sa mga pangagailangan ng mga mamamayang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Para sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong sa Arkidiyosesis ng caceres ay maaring makipag-ugnayan sa Caritas Caceres sa pamamagitan ni Rev. Fr. Emmanual Marcel Real sa numero bilang 0919-626-0669 o kay Ms. Maricel Pomares sa numero bilang 0927-180-8835.

Maari ding makipag-ugnayan sa Office of the Oeconomus ng arkidiyosesis sa pamamagitan ni Rev. Fr. Eugene Lubigan sa numero bilanbg 0917-575-0071.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Archbishop Alarcon para sa lahat ng mga una ng nagpaabot ng kagyat na tulong at pagtugon para sa mga mamamayang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan na ayon sa Arsobispo ay nagdudulot ng patuloy na pag-asa para sa bawat isa.

“The last 48 hours have not been easy, but gestures of kindness, support and assistance give us hope and encouragement. Thank you to the first responsers and thoses who have initially sent help, support, and rescue, as well as those who have assured us of their prayers.” Pagbabahagi ni Archbishop Alarcon.

Kaugnay nga nito, kabilang ang Arkidiyosesis ng Caceres sa mga diyosesis sa Bicol region na pinagkalooban ng Caritas Manila ng P200,000 tulong pinansyal upang makatulong sa pagtugon ng Simbahan sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 62,451 total reads

 62,451 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 100,460 total reads

 100,460 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 134,588 total reads

 134,588 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 190,994 total reads

 190,994 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 29,522 total reads

 29,522 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top