House Speaker, pinayuhang huwag kumilos na parang Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total reads

Ito ang naging pahayag ni dating CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz sa banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tanggalin sa puwesto ang mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi boboto pabor sa death penalty.

Binalaan din ni Archbishop Cruz si Alvarez sa pagtanggal ng “plunder” sa listahan ng mga krimen na maaaring mahatulan ng parusang kamatayan matapos itong kasuhan ng plunder ng Office of the Ombudsman.

Iginiit ng Arsobispo na walang karapatan ang isang tao o sinuman may posisyon man sa pamahalaan o wala na bigyang limitasyon at exemption ang ika – limang utos ng Diyos na “Huwag kang papatay” dahil lahat ng buhay ay mahalaga.

“Unang – una, he is playing God. Para bang siya ang may utos ng huwag kang papatay at siya rin ang magsasabi kung sino ang papatayin mo o hindi. Ikalawa, yung utos na ‘Thou shall not kill,’ walang nakalagay dun na except or provided or until basta ‘Thou shall not kill.”diin ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Ikinabahala din ni Archbishop Cruz ang pangingibabaw ngayon ng “political motives” sa pagsusulong ng death penalty.

“The boss of Congress is acting purely on political motives. Meaning to say kung ano ang sinabi ng boss ay siyang gagawin, nakakahiya, nakakasama ng kalooban. Kahit na masama o mabuti yung boss mo diyan sa gobyerno ay siyang susundin mo?” giit pa ni Archbishop Cruz sa Veritas Patrol.

Nanindigan naman at naglabas ng liham pastoral ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines laban sa lumalaganap na kultura ng kamatayan kasama na rito ang pagpapanumbalik ng death penalty.

Read: http://www.veritas846.ph/cbcp-pastoral-letter-deaths-killings/

Umaapela din si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng panalangin at pagkilos laban sa death penalty.

http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-umaapela-ng-panalangin-pagkilos-laban-sa-death-penalty/

Hinimok naman ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang taumbayan na lumahok sa “Walk for Life” laban sa death penalty,abortion at extra-judicial killings sa Luneta.

Read: http://www.veritas846.ph/cbcp-hinimok-ang-mamamayan-na-makiisa-sa-walk-life/

Nabatid na nakapagtala ang Amnesty International noong 2015 ng pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng mga nahatulan ng parusang kamatayan na umabot sa 1, 634.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 60,703 total reads

 60,703 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 106,091 total reads

 106,091 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 128,293 total reads

 128,293 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 164,785 total reads

 164,785 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 381,972 total reads

 381,972 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 238,816 total reads

 238,816 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 371,587 total reads

 371,587 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top