Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,246 total views

Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.

Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan.

Sinabi ni Archbishop Bendico, na ang November 1 o All Saints’ Day at November 2 o All Souls’ Day ay dapat ituring na mga sagradong araw upang alalahanin at parangalan ang mga santo at mga yumaong kaanak.

“November 1 and 2 are solemn days for us Catholics. However, those days are destroyed by worldly distortions through the celebration of Halloween, a term which itself, changed in meaning,” pahayag ni Archbishop Bendico sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang salitang “Halloween” ay nagmula sa terminong “All Hallows’ Eve” na tumutukoy sa bisperas o gabi bago ang Araw ng mga Banal.

Paliwanag ni Archbishop Bendico, ang pagdiriwang na ito’y naglalayong ipakita at ipaunawa ang katotohanan ng buhay at kamatayan mula sa pananampalatayang Kristiyano.

Aniya, hindi katanggap-tanggap ang pagsusuot ng mga nakakatakot na imahe na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa pagkatao at dignidad, lalo na sa mga bata.

Iginiit ng arsobispo na kapag ang bata ay nakadamit ng nakakatakot, nawawala ang kanilang bagong pagkatao at naaapektuhan ang kanilang Kristiyanong dignidad.

“A dress identifies the person wearing it, his status in life, and dignifies him or her. This is the same in spiritual life. During the putting of the white garment in Baptism, the priest highlights that the child is a new creation and has clothed himself or herself in Christ.

Hinimok ni Archbishop Bendico ang mga magulang na imulat ang mga bata sa katotohanan ng buhay pagkatapos ng kamatayan bilang daan patungo sa walang hanggan, sa halip na ipakita sa kanila ang mga nakakatakot na bagay.

Iminungkahi rin ng arsobispo ang pagtuturo sa mga bata ng kahalagahan ng pagkakawanggawa, tulad ng pagtulong at pananalangin sa mga biktima at nasawi sa mga nagdaang sakuna.

Sa ganitong paraan, aniya, masusubukan ang tunay na diwa ng pag-alala at paggalang sa mga yumao, na nag-uugnay sa kanila sa mas mataas na layunin at kabanalan.

“Let our child understand that if he or she does this act of charity, he or she is doing it for Christ,” dagdag ni Archbishop Bendico.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 57,552 total views

 57,552 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 80,711 total views

 80,711 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 101,985 total views

 101,985 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 268,762 total views

 268,762 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top