Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,754 total reads

Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas.

Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang EcoWaste Coalition sa Manila North Cemetery para ipanawagan ang isang malinis na Undas ngayong taon.

Nakasama ng grupo ang Miss Earth beauty queens mula sa Pilipinas, Argentina, El Salvador, Liberia, Namibia, Nepal, Netherlands, Northern Marianas, Slovenia, at Amerika.

Hinikayat ng EcoWaste Coalition ang publiko na sundin ang “Cemetiquette” o mga patnubay sa responsableng pagdalaw sa sementeryo, tulad ng paggamit ng reusable bags, food containers, at tumblers sa halip na single-use plastics, tamang pagtatapon ng basura, at pag-iwas sa paninigarilyo o pag-vape.
Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng grupo, ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay hindi lamang nakaaapekto sa kasagraduhan ng mga sementeryo kundi nakasasama rin sa kalikasan.

“As we gather in cemeteries to honor our departed loved ones, let us also remember our collective duty to protect the environment. Littering and improper waste disposal not only mar the sanctity of these sacred spaces but also contribute to environmental degradation,” ayon kay Lucero.

Suportado naman ng Miss Earth Foundation ang panawagan ng EcoWaste Coalition laban sa basura sa mga sementeryo sa Metro Manila at sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Miss Philippines Earth Ihra Mel Alfeche ang kahalagahan ng kalinisan at responsibilidad ng bawat isa sa pangangalaga ng kalikasan.

“We join the EcoWaste Coalition in calling for zero littering in cemeteries and in advocating for eco-friendly practices during Undas. We can make this time-honored tradition more beautiful by showing respect to the dead and the living, and by taking responsibility for our environment. We invite everyone to embrace Zero Waste Undas for the sake of the common good,” ayon kay Alfeche.

Ayon sa Manila Public Information Office, noong nakaraang Undas ay nakalikom ng 229 metriko tonelada o 86 truck ng basura mula sa Manila North at South Cemeteries mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 1, 2023.

Una nang hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 3,442 total reads

 3,442 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 13,161 total reads

 13,161 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 54,256 total reads

 54,256 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 88,383 total reads

 88,383 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 144,789 total reads

 144,789 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,041 total reads

 178,041 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top