Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,313 total views

Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.

Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan.

Sinabi ni Archbishop Bendico, na ang November 1 o All Saints’ Day at November 2 o All Souls’ Day ay dapat ituring na mga sagradong araw upang alalahanin at parangalan ang mga santo at mga yumaong kaanak.

“November 1 and 2 are solemn days for us Catholics. However, those days are destroyed by worldly distortions through the celebration of Halloween, a term which itself, changed in meaning,” pahayag ni Archbishop Bendico sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang salitang “Halloween” ay nagmula sa terminong “All Hallows’ Eve” na tumutukoy sa bisperas o gabi bago ang Araw ng mga Banal.

Paliwanag ni Archbishop Bendico, ang pagdiriwang na ito’y naglalayong ipakita at ipaunawa ang katotohanan ng buhay at kamatayan mula sa pananampalatayang Kristiyano.

Aniya, hindi katanggap-tanggap ang pagsusuot ng mga nakakatakot na imahe na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa pagkatao at dignidad, lalo na sa mga bata.

Iginiit ng arsobispo na kapag ang bata ay nakadamit ng nakakatakot, nawawala ang kanilang bagong pagkatao at naaapektuhan ang kanilang Kristiyanong dignidad.

“A dress identifies the person wearing it, his status in life, and dignifies him or her. This is the same in spiritual life. During the putting of the white garment in Baptism, the priest highlights that the child is a new creation and has clothed himself or herself in Christ.

Hinimok ni Archbishop Bendico ang mga magulang na imulat ang mga bata sa katotohanan ng buhay pagkatapos ng kamatayan bilang daan patungo sa walang hanggan, sa halip na ipakita sa kanila ang mga nakakatakot na bagay.

Iminungkahi rin ng arsobispo ang pagtuturo sa mga bata ng kahalagahan ng pagkakawanggawa, tulad ng pagtulong at pananalangin sa mga biktima at nasawi sa mga nagdaang sakuna.

Sa ganitong paraan, aniya, masusubukan ang tunay na diwa ng pag-alala at paggalang sa mga yumao, na nag-uugnay sa kanila sa mas mataas na layunin at kabanalan.

“Let our child understand that if he or she does this act of charity, he or she is doing it for Christ,” dagdag ni Archbishop Bendico.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,837 total views

 44,837 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,706 total views

 40,706 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 76,908 total views

 76,908 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,671 total views

 85,671 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,179 total views

 111,179 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top