Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,091 total views

Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa.

Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay.

Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala sa bawat isa upang suriin ang pamumuhay bilang mga manlalakbay sa mundo.

Sinabi ng obispo na makabubuting ayusin ito upang maging kaaya-aya sa mata ng Diyos at kapwa, at makamit ang kaligtasan at buhay na walang hanggan, katulad ng mga halimbawa ng mga banal.

“Inaalala natin ang mga banal, at sa ating pag-alala sa kanila, hilingin natin ang kanilang panalangin para sa mga naglalakbay pa rito sa lupa. Na kahit papaano’y makapaglakbay tayo na nakatuon ang paningin natin sa langit, na siyang ating hantungan. Tayo din nawa’y makapulot ng halimbawa mula sa naging buhay ng mga banal upang maging inspirasyon nating mamuhay ayon sa kabanalan,” ayon kay Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas.

Hinikayat din ni Bishop Presto ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga yumaong mahal sa buhay, hindi lamang tuwing Undas, kundi sa bawat pagkakataong sila’y maaalala, lalo na sa araw ng kanilang kamatayan.

Paliwanag ng obispo na sa tuwing magtitirik ng kandila sa puntod ng mga yumao, ang bawat panalangin ay hiling sa Diyos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mga pumanaw.

“Sa ating pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay at sa pagdalaw sa kanilang libingan, atin silang ipagdadasal. Sa pagtitirik ng kandila sa kanilang puntod, hilingin natin sa Poong Maykapal ang paggawad ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Hindi lamang sa araw ng mga patay natin sila alalahanin ngunit sa tuwing atin silang maaalala at sa araw ng kanilang kamatayan,” ayon kay Bishop Presto.

Sa katuruan ng simbahan, ang pag-aalay ng panalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay ay hindi lamang nakatutulong para sa kapayapaan ng kanilang kaluluwa kundi nagbibigay rin ng aliw sa mga naiwang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 58,106 total views

 58,106 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 81,265 total views

 81,265 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 102,539 total views

 102,539 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 269,258 total views

 269,258 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top