Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,211 total reads

Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas.

Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, bagama’t nabawasan ang nagkakalat sa loob ng sementeryo, nananatili pa ring hindi maayos ang pamamahala sa mga basura.

“This is unacceptable as visiting the grave sites of our beloved ones should be done with utmost respect, including not leaving any trash behind,” ayon kay Lucero.

Karamihan sa mga nagkalat na basura ang single-use plastic bags, disposable food containers, plastic bottles, mga kahon ng donut at pizza, at mga natirang pagkain.

Dagdag pa ni Lucero, dahil sa kakulangan ng solid waste management sa mga sementeryo, mas makabubuting iniuwi na lamang ng mga bisita ang kanilang mga basura upang mapanatiling malinis ang paligid.

Binatikos rin ni Lucero ang “throw-away culture”, na lalo pang lumala sa mga sementeryong may mga nagtitinda sa labas.

“Throw-away culture is drowning our cemeteries during Undas, especially in places where vendors of food, beverage and other stuff are allowed as most of the things they offer are packed in convenient but single-use and mostly plastic packaging,” saad ni Lucero.

Bagamat ikinatuwa ng EcoWaste ang dedikasyon ng streetsweepers sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga sementeryo, pinaalalahanan ng grupo ang publiko na huwag umasa sa mga tagalinis, sa halip, panatilihing malinis ang paligid.

Bilang paghahanda sa mas malinis at makakalikasang Undas sa 2025, iminungkahi ng EcoWaste ang iwasang mag-iwan ng basura sa sementeryo, dalhin ang sariling basura pauwi, ipatupad nang mahigpit ang mga patakaran ukol sa pamamahala ng basura, at iwasan ang paggamit ng disposable items sa mga iniaalok na libreng tubig at pagkain.

Patuloy na isinusulong at sinusuportahan ng grupo ang pagsasakatuparan ng mga batas hinggil sa pag-iwas sa polusyon, tulad ng Republic Act No. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, at ang mga lokal na ordinansa para mapangalagaan ang tao at kalikasan mula sa mga kemikal at basura.

Apela ng Simbahang Katolika na isabuhay ang Laudato Si’ ni Pope Francis, na bawasan ang paglikha ng karagdagang kalat sa paligid, upang hindi magmistulang malawak na tambakan ng basura ang buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 130,691 total reads

 130,691 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 205,560 total reads

 205,560 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 239,009 total reads

 239,009 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 274,307 total reads

 274,307 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 495,748 total reads

 495,748 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,284 total reads

 159,284 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top