Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,287 total reads

Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign.

Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya.

“Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those bearing the cross of persecution and to strengthen our own faith in the face of trials…I encourage each parish, mission station, Catholic school, religious community in our diocese to participate actively in this observance,” ayon kay Archbishop Bendico.

Ibinahagi ng Aid to the Church in Need (ACN) Philippines na tema ng Red Wednesday Campaign ngayong taon ang ‘One in Suffering, One in Consolation’ na ipadiriwang sa November 27 bilang pakikiisa sa katatapos na Synod on Synodality.

“In this challenging time, may Red Wednesday remind us that no believer stands alone. United as one Body in Christ, we stand with our suffering brothers and sisters in prayer and action,” ani Archbishop Bendico.

Kaugnay nito sinabi ni Archbishop Bendico na bilang pakikiisa ng arkidiyosesis inatasan nito ang mga parokya, kapilya at iba pang church institution na magpailaw ng pula sa harapan ng mga gusali bilang pag-aalala sa dugo na inialay ng mga kristiyanong martir dahil sa paninindigan sa pananampalataya.

Gayundin ang pagsusuot ng pulang damit sa pagdalo sa mga gawain bilang suporta sa inisyatibo ng ACN para sa buong simbahan.

Magkakaroon din ng banal na misa para sa persecuted christians kung saan pangungunahan ni Archbishop Bendico ang Votive Mass at pagpapailaw ng pula sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedralof Capiz sa alas singko ng hapon.

Magkakaroon din ng special collections sa naturang araw para sa mga programa at proyekto ng ACN Philippines lalo na ang pagbibigay suporta sa mga kristiyanong biktima ng karahasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Samantala isasagawa ang main celebration ng Red Wednesday Campaign sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag na pangungunahan ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Magsisimula ang pagdiriwang sa ikaapat ng hapon sa pagdarasal ng Santo Rosaryo na susundan ng Banal na Misa at pagsindi ng mga kandila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 10,793 total reads

 10,793 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 47,293 total reads

 47,293 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 267,913 total reads

 267,913 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 302,583 total reads

 302,583 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 317,840 total reads

 317,840 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top