Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,800 total views

Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17.

Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan.

Ibinahagi ng pari na magsisimula ang gawain sa alas siyete ng umaga sa Barangay Pinyahan Health Center sa isang Kape at Pandesal kasama ang mga maralitang tagalunsod at ang ikalawang obispo ng diyosesis.

Sa alas otso ng umaga ang paglalakad patungong NIA Road Urban Poor Community kung saan pangunahan ni Bishop-elect Ayuban ang pagtutulak sa Kariton ni Kiko isang mascot ng Urban Poor Ministry ng Cubao.

Susundan ito ng Banal na Misa sa ikasiyam ng umaga na pangungunahan ni Bishop-elect Ayuban kung saan matapos ang homiliya ay itatampok ang testimonya ng apat na kinatawan mula sa grupo ng urban poor.

Magtatapos ang pagdiriwang sa Kamayan Agape kasama ang buong komunidad ng maralitang tagalunsod.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “The prayer of the poor rises to God” bilang paalala na pinakikinggan ng Diyos ang hinaing ng mga mahihirap sa lipunan.

Muli namang makisalo ng pananghalian ang Kanyang Kabanalan Francisco sa 1, 300 mga dukha sa Vatican matapos ang banal na misa sa St. Peter’s Square.

Bago ang misa babasbasan ni Pope Francis ang 13 susi na sumisimbolo sa 13 bansa kung saan ilulunsad ng mga Vincentians ang “13 Houses” project.

Saklaw ng proyekto ang pagtatayo ng mga bagong tahanan sa mga dukhang walang tirahan kasama na rin ang pagbibigay ayuda sa buwanang bayarin sa low income families sa pamamagitan ng kanilang mga parokya.

Kabilang sa 13 bansa ang Syria na madalas nakakaligtaang nahaharap sa matinding pagsubok at pagdurusa bunga ng mahigit dalawang dekadang digmaan sa lugar dahil sa kapangyarihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 19,800 total views

 19,800 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 48,151 total views

 48,151 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 115,881 total views

 115,881 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 139,032 total views

 139,032 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 207,772 total views

 207,772 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top