Pagkakataon na makapag-aral sa EUROPA, inaalok ng EU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,874 total views

Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino tulad ng edukasyon.

Umaasa si Dr. Ana Isabel Sánchez-Ruiz, Deputy Head of Delegation ng European Union Delegation to the Philippines na mas maraming Pilipino lalo na ang mga kabataan na makinabang sa Erasmus Mundus na isang programa ng EU.

“The idea of Erasmus is to allow everyone who has an interest to be able to study to pursue their dreams, I hope Filipinos explore Erasmus because we are trying to get more Filipino applicants,” pahayag ni Ruiz sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng EU official na suportado ng EU ang lahat ng gastusin ng mga kwalipikadong estudyante upang matiyak na matustusan ang mga pangangailangan habang nag-aaral.

Muling inaanyayahan ni Ruiz ang mga academicians, estudyante, at mga mananaliksik sa isasagawang European Higher Education Fair (EHEF) 2024 na layong itaguyod ang student mobility at pagpapaigting ng academic excellence.

Isasagawa ito sa November 22 at 23 sa Robinsons Galleria, Ortigas habang ang online session naman sa pamamagitan ng Zoom sa November 25.

Layunin ng EHEF na magkaroon ng direktang ugnayan ang mga Pilipinong nagnanais makapag-aral sa nangngunang unibersidad sa Europa para sa mas malawak na oportunidad.

Sinabi ni EU Ambassador Massimo Santoro na ito ang isa sa mga paraan ng pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at EU member states.

“The European Higher Education Fair reflects the EU’s commitment to providing an immersive platform to explore a diverse array of opportunities, resources, and insights for Filipino students interested in pursuing their higher education in the European Union,” ani Santoro.

Tampok sa EHEF ngayong taon ang 77 higher education institutions at diplomatic missions mula sa mga bansang Belgium, The Czech Republic, Denmark, Spain, France, Germany, Ireland, Italy, Hungary, The Netherlands, Austria, Poland, Finland, Sweden at g European Union.

Katuwang ng EU sa pagsasagawa ng taunang EHEF ang EU Member States Embassies, educations institutions sa bansa at ang Commission on Higher Education.

Kabilang naman sa Regional Hubs ng 2024 EHEF ang University of Santo Tomas (Metro Manila), Wesleyan University (Luzon), and Xavier University – Ateneo de Cagayan (Mindanao); and University Partners Ateneo de Manila University – European Studies Programme, De La Salle University, Enderun College, Holy Cross of Davao College, Lyceum Philippines University – Cavite, Mabalacat City College at World Citi College.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 59,186 total views

 59,186 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 82,345 total views

 82,345 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 103,619 total views

 103,619 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 270,238 total views

 270,238 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top