Malinis na Nazareno 2025, panawagan ng ECOWASTE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,400 total reads

Hinihikayat ng EcoWaste Coalition ang mga deboto ng Jesus Nazareno na ipahayag ang pananampalataya sa pamamagitan ng malinis na pagdiriwang ng Nazareno 2025.
Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, ang pakikibahagi ng milyon-milyong deboto sa pagsusulong ng kalinisan ay makatutulong upang mabawasan ang malilikhang basura, lalo na sa Quirino Grandstand para sa Pahalik, mga kalsadang daraan ng Traslacion ng Jesus Nazareno, at sa paligid ng Quiapo Church.
Ang apela ng grupo ay alinsunod sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa 128th Plenary Assembly noong July 2024 na suportahan ang pagsisikap na matugunan ang suliranin ng plastic pollution.
“Our advocacy for reduced use and disposal of single-use plastics during the massive feast of the Black Nazarene is a concrete way of putting the bishops’ call for ecological action into practice,” ayon kay Tolentino.
Kabilang sa mga karaniwang kalat na naiiwan sa taunang pagdiriwang ng Kapistahan ng Jesus Nazareno ay ang mga single-use plastics tulad ng water bottles, cups, food containers, kutsara’t tinidor, plastic bags at wrappers, pati na rin ang mga upos ng sigarilyo at disposable vapes.
Iginiit ni Tolentino, na ang wastong pamamahala at pagtatapon sa mga nalilikhang basura ay pagpaparangal hindi lamang sa pananampalataya ng bawat isa, kundi maging sa tungkuling pangalagaan ang kalikasan.
Samantala, ang Kapistahan ng Jesus Nazareno ngayong taon ang magiging kauna-unahan na ipagdiriwang sa lahat ng diyosesis sa bansa makaraang aprubahan ng CBCP ang kahilingang gawing liturgical feast ang January 9 bilang pagkilala sa malawak na debosyon ng mga Pilipino sa Jesus Nazareno.
Dahil dito, panawagan ng EcoWaste sa mga pari at layko na gumawa ng konkretong hakbang upang maiwasan at mabawasan ang basura habang ipinagdiriwang ang Nazareno 2025 sa mga diyosesis at mga saklaw na parokya.
Tema ng Naareno 2025 ang “Mas Mabuti ang Pagsunod kaysa Paghahandog sa mga Umaasa kay Hesus”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 42,707 total reads

 42,707 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 77,382 total reads

 77,382 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 106,249 total reads

 106,249 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 142,731 total reads

 142,731 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 158,333 total reads

 158,333 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 84,799 total reads

 84,799 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top