Bibliya, pinaka-epektibong panlaban sa fake news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,802 total reads

Nanindigan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nanatiling bibliya ang pinagmumulan ng mga makatotohanang balita sa mundo.
Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, pinakamabisang paraan ang pagbabasa ng bibliya upang labanan ang laganap na fake news sa lipunan lalo na ngayong digital age.
“The bible remains our most effective spiritual hearing aid in a world that often finds itself drowned by discorded messages, especially in this digital age of social media where the very technology for disseminating information has become just as usual for propagating disinformation,” ayon sa pahayag ni Cardinal David.
Ang mensahe ng opisyal ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Bible Month ngayong Enero kung saan nakatuon ang tema sa ‘God’s Word: Source of HOPE (Harmony, Obedience, Peace, Empowerment)’ na nababatay sa Jubilee Year ng simbahan na ‘Pilgrims of Hope’.
Sinabi ng cardinal na mahalagang mahubog ang kamalayan ng kristiyanong pamayanan sa mga Salita ng Diyos upang maiwasang mabiktima ng disinformation at misinformation partikular sa iba’t ibang online platforms lalo’t mayorya sa mga Pilipino o katumbas sa mahigit 80 milyon ang aktibo sa internet.
Binigyang diin ni Cardinal David na ang mga salita ng Diyos na nakalimbag sa bibliya ang pinagmumulan ng pag-asa lalo na sa mga pinanghihinaan at nahaharap sa mga pasubok ng buhay.
“Crises are indeed the most common circumstances in which we find ourselves drawing from the most precious resources of our faith our divinely inspired sacred scriptures,” ani Cardinal David.
Pamumunuan ng CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate ang mga pagdiriwang sa buong buwan kabilang na ang mga bible enthronement sa mga diyosesis sa bansa.
Kaugnay nito inaanyayahan ni Cardinal David ang mananampalataya na makiisa sa National Bible Month upang mapaigting ang pakikibahagi sa misyon na magpapalago sa pananampalataya at magpapatatag sa simbahan.
“I invite you brothers and sisters to make national bible month a location to initiate scripture-guided conversations in the spirit paying full attention not just to what each one says but to what the holy spirit is saying through each one of us may this conversation contribute to the revitalization of the church and the renewal of society towards social justice, peace and integrity of creation,” dagdag ni Cardinal David.
January 21 hanggang 26 ipagdiriwang ng simbahan ang National Bible Week ung saan sa26 ang Sunday of the Word of God o National Bible Sunday habang January 27 naman o huling Lunes ng buwan ang National Bible Day.
Matatandaang 2017 sa bisa ng Presidential Proclamation 124 idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang buong buwan ng Enero na National Bible Month bilang pagkilala sa kristiyanong pananampalataya ng mga Pilipino.
December 2018 naman ng lagdaan ng punong ehekutibo ang Republic Act 11163-ang huling Lunes sa buwan ng Enero bilang National Bible Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 42,753 total reads

 42,753 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 77,428 total reads

 77,428 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 106,291 total reads

 106,291 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 142,773 total reads

 142,773 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 158,373 total reads

 158,373 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top