Mga casino, unahing ipasara bago ang jueteng

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total views

Unahin munang ipasara ang mga casino bago isunod ang jueteng sa bansa.

Ito ang payo ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pinaiigting na kampanya kontra iligal na sugal sa bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Archbishop Cruz, founder ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng, lalong nailapit ang mga tao sa bisyo ng pagsusugal mula ng pinahintulutan ng nakaraang administrasyon ang operasyon ng 35-malalaking casino sa bansa.

“Ang sinasabi ko noong araw, ang legal na sugal ay PAGCOR lang, iilan lang. Ang iligal na sugal na jueteng ay 42 iyan, pero ngayon yung casino ay 35 so kung tutuusin gustong alisin ang bisyo talaga, yung casino ang dapat isara. Unahin na ang casino kaysa sa jueteng.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Iginiit ni Archbishop Cruz na dahil sa mga naglipanang casino sa bansa ay mas lalo lamang naging talamak ang ‘money laundering’ na siya ring naghikayat ng maraming negosyante na pasukin ang ganitong maling kalakaran.

“Yung mga nagsusugal sa casino huwag mong sabihin sa akin mga banal iyan. Iyan ay kung saan – saan kumukuha ang pera pagkatapos kung saan-saan ginagamit ang pera at marami diyan ay money laundering ang tawag. Yung perang hindi mo maipaliwanag kung saan galing idadaan mo doon sa sugal, paglabas niyan malinis na.” giit pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

Magugunitang nagsimula ang STL o small town lottery noong 2005 sa layuning wakasan ang jueteng sa bansa.

Nauna na ring ipinanawagan ni Archbishop Cruz kay PCSO General Manager Alexander Balutan magbitiw na sakaling hindi nito kayang wakasan ang jueteng sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 59,015 total views

 59,015 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,884 total views

 54,884 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 91,086 total views

 91,086 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 99,386 total views

 99,386 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,815 total views

 123,815 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 81,166 total views

 81,166 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 271,156 total views

 271,156 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top