PACE, nanindigan laban sa Adolescent Pregnancy Prevention Bill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,333 total views

Mariing nanindigan ang Parents Advocacy for Children’s Education (PACE) sa Senate Bill 1979 or the Adolescent Pregnancy Prevention Bill.

Ayon kay PACE Founding Chairman, Professor Rey Vargas, PhD, nakababahala ang panukala na maaring maisantabi ang karapatan ng magulang sa pagtalakay ng mga sensitibong usapin sa mga anak.

Nangangamba rin si Vargas sa mandatory Comprehensive Sexual Education (CSE) sa mga paaralan na nakabatay sa international standards.

“I will not be in favor because it encroaches parental rights, to the point of taking away their consent. The Bill also demands mandatory CSE which is designed from international standards. In total, magiging accessible na ang reproductive facilities, even abortion, without even parental consent,” pahayag ni Vargas sa Radio Veritas.

Batay sa orihinal na bersyon ng panukala dapat compulsory ang pagpapatupad ng CSE sa pribado at pampublikong paaralan at hindi dapat umasa sa pagpapasya ng mga guro o schools administration ang pagpapatupad sa halip ay isama sa curriculum ng eskwelahan ayon sa panuntunan ng Department of Education at international standards.

Upang matiyak ang pagpapatupad ng CSE sa mga paaralan iminungkahi sa panukala gawin itong requirements sa Philippine Accreditation System for Basic Education o PASBE ng DepEd.

Tinalakay din sa panukala ang mga panuntunan at programang ipatutupad para sa mga guro at magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa usapin ng sekswalidad.

Una nang tinutulan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang panukala at tinawag na ‘diabolical’.

Samantala inirerekomenda ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Sherwin Gatchalian na isantabi ng DepEd ang CSE sa halip ay ipatupad na lamang ang Reproductive Health Education na isinaad sa RH Law na pinagbatayan ng SB 1979.

Una nang binawi nina Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Bong Go, Cynthia Villar, Bong Revilla Jr., Loren Legarda, at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang kanilang suporta sa panukala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,156 total views

 47,156 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,025 total views

 43,025 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,227 total views

 79,227 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,935 total views

 87,935 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,246 total views

 113,246 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top