Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Filipino songwriters at composers, inaanyayahan sa liturgical songwriting competition

SHARE THE TRUTH

 6,111 total views

Inaanyayahan ng media arm ng Philippine Province of the Society of Jesus ang mga Filipino composers at songwriters na makilahok sa liturgical songwriting competition bilang pagpupugay sa Ama ng Musikang Pangliturhiya ng Pilipino.

Ito ang Purihi’t Pasalamatan: The Fr. Eduardo Hontiveros, SJ National Liturgical Music Songwriting Competition ng Jesuit Music Ministry (JMM), ang music division ng Jesuit Communications Foundation (JesCom).

Ayon kay JMM Director Lester Mendiola, layunin ng paligsahan na ipalaganap ang pagkamalikhain at pagtutulungan habang pinangangalagaan ang diwa ng pananampalatayang Pilipino.

Paliwanag ni Mendiola na hinihikayat nito ang bagong henerasyon ng mga kompositor upang lumikha ng “original liturgical music” sa iba’t ibang diyalekto, na mag-uugnay sa pagitan ng pananampalataya at kultura.

“With this competition, we would like to encourage composers to create original liturgical songs in the vernacular, promote Filipino sacred music as a significant part of worship and cultural heritage, and foster collaboration among composers, musicians, and choirs to enrich the liturgical music community,” ayon kay Mendiola.

Samantala, binigyang-diin ni JesCom Executive Director Fr. Nono Alfonso, SJ, ang napakahalagang kontribusyon ni Fr. Hontiveros, na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

Ayon kay Fr. Alfonso, kasunod ng panawagan ng Second Vatican Council para sa liturgical inculturation o pag-aangkop ng liturhiya sa kultura, sinimulang likhain ni Fr. Hontiveros ang mga awitin para sa Misa sa Tagalog.

Kabilang sa kanyang tanyag na mga komposisyon ang Pananagutan, Ama Namin, Magnificat, at Papuri sa Diyos—mga awiting naging pundasyon ng pananampalatayang Pilipino.

“When you sing, you pray to God twice…So, with Fr. Hontiveros creating many music in the native tongue, ‘yung mga Pinoy, parang nakakausap niya na ang Diyos… So, what he [Fr. Hontiveros] has done was very revolutionary,” ayon kay Fr. Alfonso.

Samantala, bukas ang paligsahan sa lahat ng Filipino composers at songwriters, kung saan ang tema ng mga awitin ay dapat nakabatay sa “Catholic Social Teachings of the Church”.

Ang mga magwawagi ay maaaring makatanggap ng ₱100,000 para sa first prize, ₱50,000 para sa second prize, at ₱30,000 para sa third prize, habang ang lahat naman ng finalists ay makatatanggap ng tig-₱10,000 bawat isa.

Itinakda naman ang deadline ng song entries sa April 19, 2025, at iaanunsyo ang finalists sa June 20, 2025.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Jesuit Music Ministry facebook page (facebook.com/jesuitmusicministry) o ang Jesuit Communications website (jescom.ph).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 13,936 total views

 13,936 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 64,661 total views

 64,661 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 80,749 total views

 80,749 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 117,981 total views

 117,981 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 8,034 total views

 8,034 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 8,406 total views

 8,406 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 35,651 total views

 35,651 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top