Obispo ng Antipolo, Nanawagan ng Mas Matibay na Pagtutulungan para sa Katarungang Panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,944 total reads

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga Pilipino na mas paigtingin ang pakikiisa sa pagsusulong ng katarungang panlipunan upang patuloy na mapabuti ang kalagayan ng lipunan at ng buong daigdig.

Sa kanyang mensahe para sa paggunita ng World Social Justice Day ngayong Pebrero 20, binigyang-diin ng obispo ang mahalagang papel ng bawat isa sa pagtugon sa mga umiiral na suliraning panlipunan.

“Social justice is the foundation upon which we build an impartial world. It is the guiding principle that calls us to recognize the dignity of every human being, to stand in solidarity with the marginalized, and to strive for a society where everyone has the opportunity to flourish. It is our moral duty to ensure that the voices of the oppressed are heard, and their plight is addressed with urgency and empathy,” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ayon sa obispo, sa kabila ng patuloy na paghihirap ng marami, tungkulin ng bawat isa na palalimin ang kanilang kamalayan upang higit na maunawaan ang mga kinakaharap na hamon ng kanilang kapwa. Sa pamamagitan nito, maaaring simulan ang mga makabuluhang hakbang at inisyatibong tutugon sa pangmatagalang solusyon laban sa kahirapan at kawalan ng katarungan.

Nanawagan din si Bishop Santos sa mga mananampalataya na yakapin at isabuhay ang tema ng World Social Justice Day ngayong taon upang maging mas epektibo ang sama-samang pag-ahon mula sa kahirapan at ang pagsulong ng pantay-pantay na pag-unlad sa lipunan.

“Nawa’y maunawaan ng bawat isa na ang katarungang panlipunan ay hindi isang imposibleng mithiin. Kung tayo ay magtutulungan—kasama ang pamahalaan, mga institusyon, at bawat mamamayan—maaari tayong makabuo ng isang lipunang pinaghaharian ng pagkakaisa, malasakit, at tunay na paggalang sa karapatan ng bawat isa,” dagdag pa ng obispo.

Bilang bahagi ng pandaigdigang paggunita, itinakda ng United Nations ang temang “Empowering Inclusion: Bridging Gaps for Social Justice” ngayong taon. Layunin nitong ipaalam sa buong mundo ang kahalagahan ng bukas at matapat na diyalogo upang mapabuti ang lipunan at maisakatuparan ang tunay na katarungang panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 21,753 total reads

 21,753 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 70,208 total reads

 70,208 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 119,959 total reads

 119,959 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 279,157 total reads

 279,157 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 305,282 total reads

 305,282 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top