Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Tagle, umaapela ng pakikiisa sa “Fast2Feed” program

SHARE THE TRUTH

 208 total views

Umaapela ang kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mananampalataya na makiisa sa “Fast to Feed” program sa nalalapit na kuwaresma.

Ayon sa Cardinal Tagle, ang Hapag-asa program ng Archdiocese of Manila ay kumakalinga at tumutugon sa pangangailangan ng may 20-libong mga malnourished at nagugutom na bata sa mga lansangan at sa mga parokya ng Arkidiyosesis.

Nanawagan ang Kardinal na tulungan at ipadama sa mga batang kapuspalad ang tunay na pagkalinga.

“In this season of Lent we are especially called to imitate the generosity of God, particularly towards the poor and the disadvantaged. Indeed, “mercy demands that we not simply stand by and do nothing. Those who are weak and vulnerable ought to feel the presence of brothers and sisters who can help them in their need.” (Misericordia eu misera 19 21). Together, let us help these children. Together, let us make a difference in their lives,”panawagan ni Cardinal Tagle.

Inihayag ni Cardinal Tagle na mula sa halagang 1,200 pesos sa loob ng anim na buwan o sampung piso kada araw ay naibabalik na ng “fast to feed program” ang maayos at malusog na pangangatawan ng mga mahihirap na bata.

“For many years now, Pondo ng Pinoy’s Hapag-Asa program has been addressing the problem of hunger and malnutrition in our country. Together with its partners, Hapag-Asa has been helping malnourished children through supplemental feeding and early childhood education. It has also been helping the children’s parents through values education, and livelihood and skills training. This year Pondo ng Pinoy is once again launching the FAST2FEED campaign to help raise funds to be used by the Hapag-Asa program for feeding at least 20,000 hungry and malnourished children belonging to Pondo ng Pinoy member-dioceses,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Inihayag ni Cardinal Tagle sa kanyang liham pastoral na simula Ash Wednesday at sa buong panahon ng kawaresma ay pinaalalahanan tayo na gayahin ang pagiging mapagbigay ni Hesus lalu na sa mahihirap.

“Once again, we humbly ask you to help us in this undertaking. We appeal to you, dear brothers and sisters, to support FAST2FEED 2017 of Pondo ng Pinoy’s Hapag-Asa program. It only takes Php 200.00 for six months or Php 10.00 per day to bring back a hungry and undernourished child to a healthy state,”panawagan ng Kardinal.

Inaanyayahan din ni Cardinal Tagle ang lahat na sa panahon ng kuwaresma na magdasal, magsakripisyo, mag-ayuno at gumawa ng kabutihan sa kapwa.

“We are called to return to God, who opens His arms to us, by doing acts of sacrifice: namely, to pray, to fast, and to perform acts of charity,” pahayag ni Cardinal Tagle.

Sa mga Good Samaritan, maaring ilagak ang tulong sa mga sumusunod:

Pondo ng Pinoy Hapagasa bank accounts:
Metrobank C/A No. 175-7175-50963-8
Banco de Oro C/A No. 2638-00407-0
BPI C/A No. 3061-0858-22
China Bank CIA No. 103-57972-19
Security Bank CIA No. 141-026133-00

Para sa amount collected, counted at remitted sa Pondo ng Pinoy-Hapagasa bank accounts ay maaring i-fax ang deposit slip sa (02) 632-7844 para sa acknowledgment at issuance ng Official Receipt.

Ang Pondo ng Pinoy ay sinimulan ng kanyang Kabunyian Gaudencio Cardinal Rosales noong taong 2005 at mahigit sa 1-milyong mga malnourished na bata ang pinagsisilbihan ng programa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 24,133 total views

 24,133 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 32,801 total views

 32,801 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 40,981 total views

 40,981 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 36,746 total views

 36,746 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 48,796 total views

 48,796 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 35,819 total views

 35,819 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 35,829 total views

 35,829 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 35,853 total views

 35,853 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 35,967 total views

 35,967 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 36,410 total views

 36,410 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 35,865 total views

 35,865 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 35,854 total views

 35,854 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top