Talikuran ang mga hadlang sa pakikipag-ugnayan sa panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,945 total views

Sa panahon ng Kuwaresma, muling pinaalalahanan ang mga mananampalataya na ang pag-aayuno ay hindi lamang tungkol sa pisikal na sakripisyo, kundi isang espiritwal na paglalakbay patungo sa mas malalim na ugnayan sa Diyos.

Ito ang mensahe ng homiliya ni Fr. Benjo Fajota-anchor priest ng Radyo Veritas at kura paroko San Roque de Manila sa misang ginanap sa Veritas Chapel.

“Hindi tayo lalago kung wala tayong ehersisyo—hindi lang sa katawan kundi pati sa ating kalooban,” saad ng pari sa kaniyang homiliya. “Ang Kuwaresma ay isang pagkakataon, isang paglalakbay, at isang pagdiriwang. Kahit tayo ay nag-aayuno, dapat may kagalakan sa ating puso,” ayon kay Fr. Fajota.

Binibigyang-diin ng pari na ang tunay na pag-aayuno ay hindi simpleng pag-iwas sa pagkain o paglilimita ng pisikal na kasiyahan. Sa halip, ito ay pagsasakripisyo nang may taos-pusong layunin—ang pagbabalik-loob sa Diyos at pagtulong sa nangangailangan.

Sa unang pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias, ipinaalala ng Panginoon na hindi sapat ang pag-aayuno kung ito ay ginagawa lamang para sa pansariling kapakinabangan o pagpapakitang-tao.

“Nag-aayuno kayo at nagsasakripisyo, ngunit bakit hindi ko kayo sinasagot?” tanong ng Diyos. “Ang tunay na pag-aayuno ay hindi lamang pag-iwas sa pagkain, kundi ang pagpapalaya sa mga inalipin ng kasalanan, pagbabahagi ng tinapay sa nagugutom, pagbibigay ng damit sa hubad, at pagkupkop sa mga walang tirahan,”

Hinimok din ni Fr. Fajota ang lahat na mag-ayuno hindi lang sa pagkain, kundi sa masasamang ugali.

“Mag-ayuno tayo sa paninira, reklamo, at walang basehang paghuhusga. Kapag wala tayong mabuting sasabihin, mas mabuting manahimik. Sa ganitong paraan, tunay nating maisasabuhay ang espiritu ng Kuwaresma,” ayon pa kay Fr. Fajota.

Pinaalalahanan din ng pari ang mga mananampalataya na ang Kuwaresma ay isang paglalakbay—isang pagkakataon upang suriin ang ating sarili at tanungin: “Tayo ba ay lumalapit sa Diyos o lumalayo sa Kanya?”

“Huwag nating sayangin ang Kuwaresma. Nakikita ng Diyos ang nilalaman ng ating puso. Ang tunay na kabanalan ay hindi pagpapanggap kundi tapat na pagsisikap na maging mas mabuting tao,” saad pa nito.

Ngayong panahon ng Kuwaresma, inaanyayahan ni Fr. Fajota ang lahat na hindi lamang mag-ayuno sa pagkain, kundi talikuran ang anumang bagay na humahadlang sa ating ugnayan sa Diyos—at sa halip, palitan ito ng pag-ibig, malasakit, at tunay na pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 38,640 total views

 38,640 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 61,799 total views

 61,799 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 83,073 total views

 83,073 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 251,926 total views

 251,926 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top