Pagdakip kay dating pangulong Duterte, isang moral na proseso sa katarungan at katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,428 total views

Makakamit lamang ang tunay na kapayapaan kung kikilalanin ang mga maling nagawa ng nakaraan at pananagutin ang mga may kasalanan.

Ito ang binigyang-diin ng Conference of Major Superiors in the Philippines-Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) kaugnay sa pagkakaaresto ng International Criminal Court kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa CMSP-JPICC, ito’y mahalagang hakbang upang tugunan ang hindi mabilang na paglabag sa karapatang pantao na naganap sa ilalim ng Administrasyong Duterte, lalo na ang madugong war on drugs na kumitil ng libu-libong inosenteng buhay.

“For years, victims’ families, human rights defenders, and faith-based organizations have sought justice for the thousands of extrajudicial killings, enforced disappearances, and other abuses, mostly targeting the poor and marginalized,” pahayag ng CMSP-JPICC.

Iginiit ng kapulungan na ang kautusan ng ICC laban kay Duterte ay hindi lamang usaping legal kundi isang moral na panawagan para sa hustisya at katotohanan.
Paliwanag ng CMSP-JPICC, ang pananagutan ay mahalaga sa paggaling ng lipunan at hindi dapat piliin lamang kung sino ang mananagot, kundi papanagutin ang lahat ng may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao.

“Justice must not be obstructed, and Duterte, along with those who enforced and enabled his reign of terror, must face the consequences of their actions. This is not about vengeance but about upholding the dignity of every person, especially the poor and vulnerable,” giit ng kapulungan.
Una nang nanawagan ang Simbahan at human rights groups sa administrasyong ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., upang wakasan ang marahas na kampanya laban sa ilegal na droga at makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC para sa katarungan ng mga biktima.
Batay sa ulat ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), halos 9,000 katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte, habang tinatayang mahigit 20,000 naman ayon sa iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 220,445 total views

 220,445 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 250,668 total views

 250,668 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 277,312 total views

 277,312 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 372,285 total views

 372,285 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 379,033 total views

 379,033 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top