Posture of kneeling, ipapatupad ng Diocese of Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,156 total views

Ipatutupad ng Diocese of Cubao ang ‘Posture of Kneeling’ o pagluhod ng mananampalataya habang inuusal ang Eucharistic Prayer sa pagdiriwang ng banal na misa.

Sa sirkular na inilabas ni Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF, pinagtibay nito ang napagkasunduan sa 128th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ipagpatuloy ang nakagawiang pananatiling nakaluhod sa ‘consecration’ hanggang sa ‘Doxology’ o ang Great Amen.

Batay sa General Instruction of the Roman Missal (GIRM) pinahintulutan nito ang Bishops’ Conferences na magtakda ng mga alintuntunin hinggil sa wastong kilos at pananatili ng katawan sa pagdiriwang ng banal na Eukaristiya.

“This decision deepens our reverence for Christ’s presence in the Eucharist and aligns with the CBCP’s existing directives and the GIRM. As the Church calls us to a unified posture during the Eucharist, may this practice strengthen our identity as Catholic Christians. Let us worship the Lord together in spirit and truth,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ayuban.

Ipatutupad ng diyosesis ang kautusan sa April 17, 2025, Huwebes Santo, sa lahat ng nasasakupang parokya kaya’t hinimok ni Bishop Ayuban ang mga pari na gabayan ang nasasakupang kawan.

Bilang paghahanda ng diyosesis inatasan ni Bishop Ayuban ang Diocesan Ministry for Liturgical Affairs at Social Communications Ministry na lumikha ng Catechetical Series para sa lahat ng media platforms ng diyosesis at mga parokya upang magbigay katesismo sa mananampalataya.

Sa March 23, sa ikatlong Linggo ng Kuwaresma, tatalakayin sa katesismo ang kasaysayan ng pagtayo at pagluhod sa mga gawain ng simbahan mula ika – 12 siglo; sa March 30, ang Theology ng pagluhod bilang paraan ng pagsamba; sa April 6 ang ikalawang bahagi ng Theology habang sa April 13 naman ang desisyon ng CBCP hinggil sa Unity in Worship.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 15,024 total views

 15,024 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 21,153 total views

 21,153 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 51,295 total views

 51,295 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 71,943 total views

 71,943 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 93,146 total views

 93,146 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top