Ika-50 taong anibersaryo, ipinagdiwang ng Diocese of Balanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,288 total reads

Hinikayat ni Balanga Bishop Rufino Sescon, Jr., ang nasasakupang mananampalataya na magkaisa sa misyong palaguin ang kristiyanong pamayanan sa lalawigan ng Bataan.

Sa mensahe ng obispo sa ika – 50 anibersaryo ng pagkatatag ng Diocese of Balanga umaasa itong magiging mukha ng kaharian ng Diyos ang diyosesis na nagbubuklod sa pag-ibig.

“Ang diyosesis nawa natin ay maging salamin ng kaharian ng Diyos kung saan ang naghahari ay pagmamahal, awa, pagkakaisa, at ito ay ating ihahasik para mas marami pa ang maging kapanalig ng ating Panginoong Hesukristo,” bahagi ng mensahe ni Bishop Sescon.

Tema sa pagdiriwang ng ikalimang dekada ng diyosesis ang ‘Magtipon, Maglakbay at Maghasik’ na layong paigtingin ang panawagan sa mga kapwa manlalakbay na makiisa sa mga gawaing naghahasik, nagpapalaganap ng mabuting balita, at nagpapatotoo sa Diyos upang higit pang maipakilala si Hesus sa pamayanan.

Batay sa kasaysayan March 17, 1975 nang maitatag ang diyosesis sa pamamagitan ng papal bull Quoniam ad Recte Universum, na dating nasasakop ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga.

Naitalagang unang obispong nangasiwa sa diyosesis na may mahigit 200-libong katoliko si Bishop Celso Guevarra hanggang magretiro noong 1998.

Nagsilbing ikalawang obispo ng Balanga si Bishop Honesto Ongtioco hanggang 2003 bago mailipat sa Diocese of Cubao.

Mula 2004 hanggang 2009 pinamunuan ni Archbishop Socrates Villegas ang diyosesis na sinundan ni Bishop Ruperto Santos mula 2010 hanggang 2023.

Nitong 2025 sa pagdiriwang ng ikalimang dekada ng diyosesis ay nagsimula rin si Bishop Sescon sa kanyang gawaing pagpapastol sa mahigit kalahating milyong mananampalataya sa lalawigan ng Bataan kasama ang hunmigit kumulang 60 mga pari sa 38 mga parokya.

Kaugnay nito pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang misa pasasalamat sa Cathedral Shrine-Parish of Saint Joseph sa Balanga City sa alas 5:30 ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 18,596 total reads

 18,596 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 54,021 total reads

 54,021 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 110,427 total reads

 110,427 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 233,048 total reads

 233,048 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top