Pagkilos ng mga kabataan para sa pagbabago, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,175 total views

Pinuri ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga kabataang makibahagi sa misyon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para matiyak ang clean, honest, accurate, meaningful and peaceful 2025 midterm national and local elections.

Ayon sa Obispo, bukod sa magandang halimbawa at pagsisikap ng mga kabataan ito rin ay paghahayag ng pag-ibig sa simbahan at sa bayan.

Tiniyak ni Bishop Uy na kaisa ng kabataan ang buong simbahan sa pagsusulong ng misyon na dinggin ang tawag ng Panginoon sa paglilingkod sa kapwa tulad ng mga gawain tuwing halalan kung saan iluluklok ng mamamayan ang mga lider na mamumuno sa bayan.

“As you engage in this vital work, remember that you are not alone. You are part of a larger mission that seeks to honor God’s call to serve others. Each act of kindness, each moment of patience, and each step taken toward fostering a fair electoral process is a testament to your faith in action. Even when faced with obstacles, continue to believe in the goodness of your efforts. Trust that your contributions, no matter how small they may seem, are significant in the eyes of God,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Sinabi ni Bishop Uy na ang kahandaang kumilos ng kabataan sa pamamagitan ng pagiging volunteer ng PPCRV ay nagpapakita ng pagnanais na gumawa ng pagbabago sa lipunan na sumasalamin sa tunay na diwa ng pag-asa.

“You are the light that shines in the darkness, reminding us all that integrity and justice can prevail when we stand together for what is right. Your efforts play a crucial role in upholding the values of democracy and ensuring that every voice is heard,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Naunang nanawagan ang PPCRV ng karagdagan pang mga volunteers na tutulong sa pagbabantay sa eleksyon sa May 12 kung saan hinimok ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan na mkipag-ugnayan sa kanilang mga parokya para magpatala.

Sa datos naman ng Commission on Elections sa halos 70-milyong botante ngayong midterm election 63 porsyento rito ay mga kabataan.

Pinkamalaking bilang ng voting population age ay mula sa mga Millenials na ipinanganak sa pagitan ng 1981 hanggang 1996 na naitala sa 25.94 million o 34 na porsyento habang ang Gen Z naman o mga ipinanganak sa pagitan ng 1997 hanggang 2007 ay naitala sa 21.87 million o halos 29 na porsyento.

Apela ni Bishop Uy sa mga kabataan na patuloy magsumikap para sa ikabubuti ng bayan para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

“As you proceed with your invaluable work, hold on to your passion and enthusiasm. Encourage one another to persevere, and remember that the journey may be challenging, but the fruits of your labor will yield a bountiful harvest for generations to come,” dagdag ng obispo.

Sa kasalukkuyan nagpapatuloy ang mga pagsasanay na isinasagawa ng mga PPCRV Volunteers ng Diocese of Tagbilaran na handang maglingkod sa mga poliing precinctsa 2025 midterm national and local elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 47,342 total views

 47,342 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 80,424 total views

 80,424 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 108,775 total views

 108,775 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 176,507 total views

 176,507 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 196,355 total views

 196,355 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top