Mananampalataya, inaanyayahan sa Veritas Holy Week exhibit 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,342 total views

Muling pasisinayaan ng kapanalig na himpilan ang pagtatanghal ng mga imahen na naglalarawan ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo bilang paggunita sa Mahal na Araw ngayong taon.

Ito ang Veritas 846 Holy Week Exhibit 2025 na isasagawa sa Activity Center ng Fisher Mall sa Quezon Avenue, Quezon City mula April 12 hanggang 20, 2025.

Ayon kay Religious Department head Renee Jose, layunin ng exhibit, kasabay ng pagdiriwang ng Taon ng Hubileo ng Pag-asa, na hikayatin ang mga mananampalataya na magnilay sa pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo—ang paglalakbay patungong Kalbaryo at ang muling pagkabuhay—na nagbigay ng bagong pag-asa at kaligtasan sa sanlibutan.

“In celebration of the Year of Jubilee of Hope, this exhibit invites the faithful to reflect on the suffering, death, and resurrection of our Lord Jesus Christ, which brought hope and salvation to the world,” ayon kay Jose sa panayam ng Veritas Patrol.

Bukas ang exhibit sa publiko mula alas-10 ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi, kung saan maaari ring mag-alay ng panalangin na isasama sa Healing Masses ng Radio Veritas, sa alas-sais ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-sais ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Veritas Religious Department sa telepono sa (02) 8925-7931 to 39 locals 129, 131, at 137, o mag-text sa 0917-631-4589 at hanapin si Ms. Renee Jose

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 19,410 total views

 19,410 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 69,424 total views

 69,424 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 65,293 total views

 65,293 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 101,252 total views

 101,252 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,889 total views

 108,889 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top