Patuloy na pananakot sa mga katutubong Molbog, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,366 total reads

Mariing kinokondena ng SAMBILOG – Balik Bugsuk Movement ang patuloy na pananakot ng JMV Security Services sa mga katutubong Molbog sa Sitio Mariahangin, Bugsuk, Palawan.

Ayon sa ulat, daan-daang armadong guwardiya ang sapilitang pumapasok sa pamayanan–isang malinaw na paglabag sa karapatang pantao at tangkang palayasin ang mga Molbog mula sa mga lupaing ninuno.

Mula Hunyo 29, 2024, nagsimula ang lumalalang tensyon sa gitna ng tahimik na pagpapaalis sa mga katutubo nang walang due process, na umabot sa insidente noong April 6 kung saan tinutukan ng baril ang dalawang kabataang Molbog at nagdulot ng matinding trauma.

Ayon sa katutubong Molbog na si Marilyn Pelayo, apektado na ang paghahanapbuhay sa komunidad dahil sa mga nararanasang pananakot at pagpapalayas ng mga armadong grupo.

“Hindi kami makapaghanapbuhay nang maayos sa takot, at syempre malaking epekto sa amin ito dahil hindi kami makapag-focus sa hanapbuhay. Ang dating mala-paraisong lugar namin ay napalitan ng takot at pangamba na baka kami ay palayasin sa mahal naming lupa at isla,” ayon kay Pelayo.

Sa kabila ng pananakot, naninindigan ang mga residenteng manatili sa mga lupaing ninuno at tanggihan ang anumang iniaalok na salapi o panunuhol, dahil para sa mga Molbog, ang lugar ay hindi lamang basta lupa kundi kanilang tahanan, pagkakakilanlan, at pamana.

Sa konteksto ng kasaysayan ng militarisasyon at corporate land grabbing mula pa noong Martial Law ng 1974, malinaw na patuloy ang mga paglabag sa Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Panawagan ni Pelayo sa pamahalaan na dinggin ang hinaing ng mga Molbog, at tulungang maligtas ang pamayanan at lupaing ninuno mula sa mapaminsalang hangarin ng pag-unlad.
“Wala nang pakialam halos ang pamahalaan sa maliliit na mamamayang katulad namin. Nananawagan kami sa lahat, pamahalaan, kapulisan, na sana matulungan kami. Huwag sana kayong magbingi-bingihan,” saad ni Pelayo.

Una nang nanawagan si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona sa mga ahensya ng pamahalaan na mamagitan upang maiwasan ang anumang posibleng karahasan at mapangalagaan ang mamamayan.

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 362 total reads

 362 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 459 total reads

 459 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 10,156 total reads

 10,156 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 60,182 total reads

 60,182 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 82,272 total reads

 82,272 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 182,092 total reads

 182,092 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 214,884 total reads

 214,884 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 125,459 total reads

 125,459 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top