Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,004 total reads

Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk, Balabac, Palawan laban sa sapilitang pagpapaalis sa kanilang lupaing ninuno kaugnay ng planong ecotourism project ng San Miguel Corporation at Bricktree Properties.

Mariing kinokondena ng CEAP ang insidente ng karahasan noong April 4, 2025, kung saan ipinadala ang 80 armadong guwardiya sa isla, na nagdulot ng banta sa seguridad, dignidad, at karapatang pantao ng mamamayan.

Iginiit ng grupo na ang anumang uri ng pananakot, panggigipit, at paglabag sa karapatan ng komunidad ay salungat sa batas at sa katarungang panlipunan ng Simbahan.

“We are deeply concerned by credible reports and testimonies that reveal the unjust displacement and harassment, including restrictions on food and water access and violations of the rights of local communities… These actions are contrary not only to the Philippine Constitution and laws such as the Indigenous Peoples Rights Act, the Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms, and the Fisheries Code but also to international standards on business, human rights, and ecological justice,” ayon sa pahayag ng CEAP.

Bilang mga katolikong lingkod sa larangan ng edukasyon, naninindigan ang CEAP na dapat isabuhay at isulong ang mga prinsipyo ng katuruan ng simbahan sa pamamagitan ng pagkilala sa karapatan ng mga katutubo sa lupaing ninuno; pagsusulong ng kapayapaan at di-marahas na pagkilos; pangangalaga sa kalikasan at pamayanan; at katarungan at tunay na kaunlaran na may pagkilala sa dignidad ng tao.

Pinuri rin ng grupo ang mapayapang pagkilos ng SAMBILOG Balik Bugsuk Movement, sa pamamagitan ng prinsipyong “Alay-Dangal”, na anyo ng marangal at mapayapang paglaban na nakaugat sa katotohanan at pag-ibig.

Nagpahayag din ng suporta ang CEAP sa Jubilee Walk of Farmers, na 60-araw na paglalakbay na nagsimula noong March 13 at magtatagal hanggang May 12, 2025, mula Concepcion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay patungong EDSA Shrine at People Power Monument, bilang panawagan para sa lupa, katarungan, at kapayapaan ngayong Taon ng Jubileo.

Panawagan naman ng CEAP sa San Miguel Corporation at sa mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan na igalang ang karapatan ng mga taga-Mariahangin at pakinggan ang kanilang tinig.

“Development must be inclusive, ethical, and respectful of human dignity and rights,” giit ng CEAP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 8,259 total reads

 8,259 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 44,320 total reads

 44,320 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 100,726 total reads

 100,726 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 224,029 total reads

 224,029 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,239 total reads

 176,239 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top