113,283 total views
Kapanalig, gugunitain ng Santa Iglesia ang “holy week” (mahal na araw)… Ang Passion of Christ”.
Sa linggong ito, pinaalalahanan tayo ng Simbahang Katolika na gunitain, makiisa tayo sa pagpapakasakit at pagkamatay ng panginoong Hesus sa pamamagitan ng “silence”… tahimik na pakikipag-usap sa panginoon.
Pero ang mithiin natin na katahimikan kasama ng panginoong Hesus ay nalalagay sa alanganin…Halos isang buwan na lamang 2025 midterm elections na… Halalan ng national at mga lokal na kandidato…Napaka-ingay na sa ating paligid,. Nagiging makulay na ang iba’t-ibang lansangan, mga gusali, mga billboards ng iba’t-ibang sukat ng tarpaulins ng mga kandidato.
Sa ating mga Pilipino, Kristiyano man o ibang religious group, mula pagkabata tayo ay hinuhubog ng mga ating mga magulang sa kahalagahan ng moral values..Itinuturo sa ating tahanan at sa mga paaralan ang “tama at mali”. Kadalasan tayo ay pinaparusahan ng ating mga magulang kapag lumabas at nai-usal natin ang mga masasamang pananalita (bad words/green jokes)…
Nakakalungkot nga lamang, sa ating pagtanda at pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, pamamayagpag ng social media.. ang moral values na ating isinasabuhay mula pagkabata ay nawawala na bagong henerasyon… Wala nang pasintabi, hindi na natin isinasa-alang-alang kung makakasakit at makakasira sa kapwa ang ating mga binibitawang salita.
Dahil sa social media, norman na lamang na napapanood at napapakinggan ang pagmumura… mga walang paggalang na pananalita..
Para lamang makatawag pansin o likas na sa ilang kandidato na tumatakbo sa posisyon sa May 12, 2025 midterm election ang walang paggalang sa kapwa.
Kapanalig, naging viral sa social media ang paglapastangan o sexually charged joke ng isang congressional candidate sa Pasig City sa mga single mothers..Ang biro ay para lamang makaagaw ng atensiyon ng mga botante.. Ang kabastusan na biro ay laganap sa social media., napapanood ito ng maraming menor-edad na mga Pilipino. Sinasabi ng CHR na ang biro ay labag sa Magna Carta for Women. Sa ganitong usapin, anong ahensiya ng pamahalaan ang magpaparusa sa bastos na kandidato?
Ang nakakadismaya Kapanalig, nangako ang Commission on Election o COMELEC na hindi nito palalampasin ang kabastusan at kawalang galang ng kandidato… Hanggang kailan kukunsintihin ng COMELEC ang ganitong kamalian? As usual, lagi na lang bang nakamasid ang COMELEC? Puro na lang ba salita?
Bukod dito, viral din ang explicit jingle (bastos) ng isang bold star na kandidato na naghahangad din na maluklok sa posisyon. Uso din sa kampanya ang red-tagging… Ano bang kultura tayong mga Pilipino?
Di ba Kapanalig, dapat kaagad na idiskuwalipika ang ganitong uri ng mga kandidato? Hindi dapat sila maluklok sa anumang posisyon sa pamahalaan.
Kapanalig sana matutuhan natin ang sinasabi sa Proverbs 21:23—“Those who guard their mouths and their tongues keep themselves from calamity.”
Sinasabi din sa JAMES 1:26—““Those who consider themselves religious and yet do not keep a tight rein on their tongues deceive themselves, and their religion is worthless.”
Sumainyo ang Katotohanan.