Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 53,839 total views

Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang opinyon at saloobin ng arting mga kababayan. Depende sa tinatawag na algorithm o ang pattern na nabuo batay sa mga binibisita nating posts sa social media, may mga diskusyong pabor at hindi pabor sa nangyari.

Sa mga hindi pabor sa nangyari sa dating presidente, napansin sa isang pag-aaral gamit ang artificial intelligence (o AI) na marami sa mga diskusyon ay gawa ng mga pekeng accounts. Ito ang natuklasan ng tech firm na Cyabra sa mga posts sa social media platform na X (na mas kilala noon bilang Twitter). One-third sa mga accounts na ipinagtatanggol si dating Pagulong Duterte at binabatikos ang ICC ay peke umano. Hindi raw totoong mga tao. May deliberate (o sadya) at organized (o organisado) na kampanya para palitawing mas nakararami ang pumapanig sa pangunahing arkitekto ng madugong kampanya kontra iligal na droga. Sa sobrang sopistikado ng kampanya, napakahirap daw malaman kung alin sa mga accounts ang totoo o alin sa mga ito ang peke.

Sa isang hiwalay na pag-aaral para sa Reuters, lumabas na halos kalahati—o 45%—ng mga diskusyon online tungkol sa tapatan ng mga Marcos at Duterte, lalo na ngayong eleksyon, ay gawa ng mga “inauthentic accounts.” Ang mga pekeng accounts na ito ay kinabibilangan ng mga tinatawag na sock puppets, avatars, at bots. Muli, mga hindi totoong tao.

Nakababahala ito, mga Kapanalig.

Maraming oras ang ginugugol ng mga Pilipino sa social media. Sa isang araw, tayo raw ay nakababad sa internet sa loob ng halos siyam na oras. Mas mahaba ito sa global average na anim at kalahating oras lamang. Tatlo’t kalahating oras naman ang average para sa panahong ginagamit natin sa social media. Maliban sa entertainment o libangan, sa social media na nagbabasa ang marami sa atin ng balita tungkol sa mga nangyayari sa ating bansa.

Kaya kung marami sa mga naglipanang accounts sa social media ay peke, marami ang nakatatanggap sa atin ng kaduda-dudang impormasyon. Hinuhubog ng mga impormasyong ito ang ating mga opinyon at saloobin. Kung hindi tayo marunong kumilatis kung alin ang mula sa mga accounts na peke at alin ang mula sa mga totoong tao, kakalat ang maling impormasyon. Marami ang maloloko. Marami ang magogoyo.

Ang Pilipinas nga ang itinuturing na “patient zero” ng disinformation—unang biktima ng sistemakong pagpapakalat ng maling impormasyon gaya ng mga fake news. Hindi ito nakaka-proud. Pero narito na tayo sa ganitong sitwasyon, kaya kailangan nating gawin ang lahat para mapigilan ang disinformation.

Ang nakalulungkot, ang mga nasa poder ang nasa likod ng malawakang panloloko. Ginagawa ito para siraan ang kanilang kalaban sa pulitika, itaas ang kanilang sarili sa mata ng publiko, at lituhin ang mga tao para hindi na sila makialam sa nangyayari sa kanilang paligid. Salungat ang mga ito sa mabuting layunin na nakikita ng ating Simbahan sa internet at social media. Sa sulat na pinamagatang Christus Vivit, sinabi ni Pope Francis na nagbibigay ang mga ito ng pagkakataon sa atin para makipag-usap sa iba, makipag-ugnayan sa ating kapwa, at makatanggap ng mahahalagang kaalaman. Magagamit ang internet at social media para makialam sa mga nangyayari sa ating bayan—at sa pulitikang kinokontrol pa rin ng mga makapangyarihan at impluwensya.

Mga Kapanalig, may kasabihan tayong ang lata ay mas maingay ‘pag walang laman. Ganito ang mga fake accounts sa social media. Huwag na natin silang i-share para hindi na lumakas pa ang ingay na ginagawa nila. Paalala nga sa Efeso 4:25, “itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa’t isa.”

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 17,833 total views

 17,833 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 26,148 total views

 26,148 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 44,880 total views

 44,880 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 61,087 total views

 61,087 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 62,351 total views

 62,351 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 17,834 total views

 17,834 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 26,149 total views

 26,149 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 44,881 total views

 44,881 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 61,088 total views

 61,088 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 62,352 total views

 62,352 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 54,064 total views

 54,064 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 46,766 total views

 46,766 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 82,311 total views

 82,311 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 91,187 total views

 91,187 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 102,265 total views

 102,265 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 124,674 total views

 124,674 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 143,392 total views

 143,392 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 151,141 total views

 151,141 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 157,845 total views

 157,845 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top