EDSA 1 anniversary, huwag gawing political agenda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 497 total views

Umaapela ang isang dating reporter at anchorman ng Radyo Veritas noong 1986 People Power Revolution o EDSA-1 na huwag gawing political agenda ang ginawang pagtitipon-tipon at pagkakaisa ng taongbayan para makamtan ang kalayaan mula sa diktaduryang Marcos 31-taon na ang nakakalipas.

Binigyan diin ni Bro. Efren Dato na ang people power revolution o tinaguriang “bloodless revolution” ay nagtagumpay hindi para lamang sa isang partido o grupo at mga political personalities kundi dahil sa pagnanais ng taongbayan na magkaroon ng pagbabago.

“Hindi iyan political party, bida diyan ang panginoon Diyos at ang taongbayan.”giit ni Bro. Dato sa panayam ng Radio Veritas.

Naniniwala si Dato na dapat pa ring gunitain ang naganap na people power at huwag itong balewalain dahil lamang sa isyu ng pulitika.

“Kasi buong bayan yan, hindi yan Liberal Party, kaya dapat taon-taong yang pinagdiriwang kasi tumugon ang taongbayan na ang nais nila kalayaan, mapayapang pagbabago, kaya dapat ipinagdiriwang at ipagpatuloy ang kulturang pagbabago sa bansang Pilipinas hindi dapat tinitingnan yan as a political event.”paninindigan ni Dato.

Ginunita ni Dato kung paanong pinagsama-sama ng Simbahang Katolika ang sambayanang Pilipino at nakibahagi sa iisang layunin para makamit ang pagbabago sa kamay ng isang diktador.

“Malaki ang naitulong ng [Simbahang] Katolika lalo na sa leadership ng yumaong [Jaime] Cardinal Sin at mga Obispo [Catholic Bishops’ Conference of the Philippines] at lahat ng kaparian, lahat ng mga Layko na tumugon sa isang mapayapang pagbabago.”paglilinaw ni Dato.

Ang himpilan ng Radyo Veritas ang nagsilbing tinig ng mga kaganapan sa People Power Revolution at nagpakilos sa mga Pilipino na magkaisa at manindigan sa pamamagitan ng panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Read: http://www.veritas846.ph/history/

Ikinadismaya rin ng dating priest broadcaster ang hindi pagbibigay halaga ng kasalukuyang administrasyon sa ika-31 anibersaryo ng EDSA-1 kung saan 1-milyong piso lamang ang inilaang budget sa selebrasyon sa ika-25 ng Pebrero,2017.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 61,931 total views

 61,931 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 85,090 total views

 85,090 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 106,364 total views

 106,364 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 272,684 total views

 272,684 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 219,240 total views

 219,240 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top