EU, makakatuwang ng Pilipinas sa pagpapalago ng ekonomiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,354 total views

Tiniyak ng European Union ang patuloy na pagpapaigting ng uganayan sa pagitan ng Pilipinas upang higit na maisulong ang pag-unlad.

Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Massimo Santoro,ngayong taon ay sinimulang ipatupad ang mga programang inilunsad noong 2024 sa pagdiriwang ng ikaanim na dekadang ugnayan ng EU at Pilipinas.

Tinuran ng opisyal ang iba’t ibang proyekto na makatutulong sa mga Pilipino tulad ng pagpapatibay ng ekonomiya lalo na sa mga malalayong lugar tulad ng Mindanao.

“I believe this is a very special year. As you know, last year we celebrated 60 years of diplomatic ties between the EU and the Philippines. This year, we need to focus on implementing a higher level of collaboration and strengthening our relationship. There is still much to accomplish, particularly in areas such as security cooperation and our joint efforts in the green economy, digital advancement, and other common priorities. We are already laying the groundwork for these initiatives, but there is much more to be done,”
bahagi ng pahayag ni Santoro sa Radyo Veritas.
Batid ni Santoro na sa paglipas ng panahon ay mas tumibay ang pagtutulungan ng EU at mga Pilipino kabilang na sa humanitarian aid, kalakalan at iba pang sektor ng lipunan.
Bukod sa larangan ng ekonomiya tiniyak din ng EU ang suporta sa hangaring isulong ang good governance, katarungan, at karapatang pantao.

Sa conclave, umaasa si Santoro na maihalal ng mga cardinal ang karapatdapat na lider na maipagpatuloy ang mga halimbawang iniwan ni Pope Francis lalo na sa pagsusulong ng pagkakaisa at kapayapaan sa buong mundo.

Batid ng opisyal na mahalaga ang pagpili ng susunod na santo papa sapagkat bukod sa pagiging lider sa 1.4 na bilyong katoliko sa mundo ito rin ay kinikilala ng sangkatauhan.
“This event is significant not for any specific country, but for humanity as a whole. When it comes to the election of a pope, any person (cardinal electors) who could be elected can continue to promote the faith, messages of peace, unity, freedom, and happiness, as inspired by Pope Francis. I hope the event is successful, and we all want to see someone elected who can contribute to bringing more peace to the world,” ani Santoro.

Ang Italy kung saan capital city ang Rome at matatagpuan ang Vatican City ay EU member state mula 1958.

Nitong May 4, 2025 ay nagtipon ang mga kinatawan ng EU member states sa Pilipinas sa pangunguna ni Santoro sa The Gallery sa Rizal Park Manila sa pagbukas ng Europe Day celebration na itinakda tuwing May 9.

Pinailawan ang Rizal Monument at ang fountain ng parke hudyat ng pagsisimula sa pagdiriwang at pagkilala sa matatag na ugnayan ng EU at Pilipinas.
Ang Europe Day ay pagdiriwang sa pagkakaisa at kapayapaan sa Europa at paggunita rin sa ‘Schuman Declaration’ na isang makasaysayang panukala ni French Foreign Minister Robert Schuman noong 1950 na naging pundasyon ng European cooperation o kasalukuyang European Union.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 153,283 total views

 153,283 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 183,506 total views

 183,506 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 210,152 total views

 210,152 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 305,125 total views

 305,125 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 316,145 total views

 316,145 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top