Caritas Philippines, nagagalak sa pagkakahirang kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,363 total reads

Labis ang kagalakan ng humanitarian, advocacy, at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakahirang kay Pope Leo XIV, na kinikilala bilang pinunong may tapang at malasakit sa mga pinakaapektado ng krisis sa klima.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, nawa’y ang pamumuno ng bagong Santo Papa ay magsilbing panibagong lakas upang harapin ang lumalalang climate emergency na patuloy na nagpapaalis sa mga pamilya, pumipinsala sa kabuhayan, at naglalagay sa panganib sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“His call to “move from words to action” must not remain a slogan. We echo this urgent appeal and call on the global Church, governments, and all sectors of society to step up and respond with courage and conviction,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, na siya ring CBCP Bishop-Champion for Integral Ecology at lead convenor ng Laudato Si’ Convergence, handa ang Caritas Philippines na makipagtulungan sa bagong Santo Papa upang gawing konkretong pagkilos ang pananampalataya para sa pangangalaga sa kalikasan.

Tiniyak din ng obispo na mananatiling matatag ang Simbahan sa panawagan para sa katarungang pangkalikasan, lalo na para sa mga pamayanang nangunguna sa mga labis na apektado ng krisis sa klima.

“We pray that under Pope Leo XIV’s leadership, the Church will stand even more firmly with communities on the frontlines of ecological
collapse. We are ready to work alongside him in turning faith into action for the care of our common home,” ayon kay Bishop Alminaza.

Si Papa Leon XIV, o Cardinal Robert Prevost, OSA, ay ang dating prefect ng Vatican Dicastery for Bishops bago mahalal bilang ika-267 Santo Papa.

Ipinanganak sa Chicago sa America, si Prevost ay miyembro ng Augustinian Order at naglingkod bilang obispo ng Diocese of Chiclayo, Peru, kung saan kinilala ang kanyang malasakit sa mga mahihirap at katutubong pamayanan.

Kilala rin si Papa Leon XIV sa kanyang matatag na paninindigan sa mga usaping panlipunan tulad ng climate justice, migration, at karapatang pantao.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 18,273 total reads

 18,273 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 18,400 total reads

 18,400 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 33,428 total reads

 33,428 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 89,834 total reads

 89,834 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 213,335 total reads

 213,335 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 297,090 total reads

 297,090 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,834 total reads

 175,834 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top