Huwag haluan ng pulitika ang pagdiriwang ng EDSA People Power 1

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 383 total views

Ikinalulungkot ni dating CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na unti–unti ng nawawala ang kahulugan ng EDSA People Power Revolution dahil sa pagkakahati – hati ng taumbayan lalo na sa mga usaping pulitikal.

Tinukoy ni Archbishop Cruz ang pagkawatak-watak ng mga Pilipino sa dalawang pagkilos ng mga taga – suporta ng kasalukuyang administrasyon sa pagsusulong ng kampanya kontra – iligal na droga at death penalty sa halip na bigyang halaga ang ika-31 taong commemoration ng bloodless revolution.

“Ito ngayong EDSA People Power na talaga sanang isang karangalan ng Pilipinas. Ngayon ay nagiging political issue na rin ibig sabihin nababawasan ang kahulugan at ang kalaliman. Nakakahinayang na ganito ang nangyayari.” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinaalala ni Archbishop Cruz na ang tunay na diwa ng EDSA ay isang pagkilos ng nagkakaisang mamamayan sa iisang adhikain na mapanumbalik ang malaya at demokratikong bansa na hindi gumagamit ng dahas.

“Nag – umpisa nang hatiin sa isang political issue nakakahinayang na as far as I concerned it was a civic issue more than anything else. Pero ngayon meron ng militarismong lumalabas, meron ng mga paraan na nagbabanta, na gumamit ng dahas which is not EDSA.” giit pa ni Archbishop Cruz sa Veritas Patrol.

Ang 1986 EDSA People Power Revolution ay mapayapang pagkilos ng milyon – milyong Pilipino bilang pagtugon sa panawagan sa Radyo Veritas ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na manindigan laban sa diktaduryang Marcos.

Para sa ika-31 taong anibersaryo ng EDSA-1 sa Sabado ika-25 ng Pebrero 2017, naglabas ng isang liham para sa yumaong Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin si CBCP – President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na naging secretary ng Kardinal.

Sa liham, ipinahayag ni Archbishop Villegas ang lubos na kalungkutan sa hindi maabatang pagdaloy ng dugo sa mga lansangan dahil sa war on drugs ng kasalukuyang administrasyon na umaabot na sa mahigit 7-libo ang napapatay.

Kaugnay nito, nagbabala ang dating priest anchor ng Radio Veritas noong EDSA 1 na si Bro.Efren Dato sa mga pulitiko na huwag gawing political agenda ang paggunita sa people power revolution.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 50,260 total views

 50,260 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,129 total views

 46,129 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,331 total views

 82,331 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,963 total views

 90,963 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,047 total views

 116,047 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,424 total views

 80,424 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,746 total views

 270,746 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top