PBBM, pinagsusumite ng courtesy resignation ang gabinete

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,301 total reads

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng miyembro ng kanyang Gabinete na magsumite ng courtesy resignation bilang bahagi ng mas malawak na pagsasaayos sa direksyon ng pamahalaan kasunod ng resulta ng halalan.

“It’s time to realign government with the people’s expectations,” ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Layon ng hakbang na ito na muling ihanay ang administrasyon sa mga tunay na pangangailangan at inaasahan ng taumbayan. Ayon sa Palasyo, tapos na ang panahon ng nakagawiang pamamalakad—ang tinig ng mamamayan na ang dapat mangibabaw, hindi ang pulitika.

Dagdag pa ng Pangulo; “This is not business as usual,” the President said. “The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act.”

Sa pamamagitan ng panawagang ito, binibigyan ng kalayaan ang Pangulo na masusing suriin ang performance ng bawat ahensya at tukuyin kung sinu-sino ang nararapat manatili sa Gabinete, batay sa bagong prayoridad ng administrasyon.

Itinuturing ng Malacañang ang hakbang na ito bilang pagsisimula ng panibagong yugto ng pamumuno—isang pamahalaang mas matatag, mas mabilis kumilos, at nakatuon sa kongkretong resulta.

“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency,” the President added. “Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” ayon pa sa pahayag ng Pangulong Marcos.

Habang kinikilala ang mga opisyal na nagsilbi nang may dedikasyon at propesyonalismo, binibigyang-diin ng administrasyon na kailangan ngayon ng mas mabisa at agarang tugon sa mga pangangailangan ng bayan.

Tiniyak naman ng Malacañang na hindi maaantala ang paghahatid ng pangunahing serbisyo habang isinasagawa ang mga pagbabago. Mananatiling matatag ang operasyon ng pamahalaan habang binubuo ang isang mas mahusay na Gabinete para sa kapakanan ng mamamayan.

Una na ring binigyan diin ng yumaong si Pope Francis na ang pulitika ay isang mataas na anyo ng pagmamahal sa kapwa sapagkat ito ay paglilingkod sa kabutihang panlahat.

Naniniwala ang Simbahan na ang pulitika ay hindi lamang tungkol sa kapangyarihan, kundi isang bokasyon ng paglilingkod para sa kapakanan ng lahat, lalo na ng mahihirap at nasa laylayan ng lipunan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 125,187 total reads

 125,187 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 158,895 total reads

 158,895 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 193,023 total reads

 193,023 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 249,427 total reads

 249,427 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top