Buksan ang puso sa mga refugee, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,143 total views

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang mga Pilipino na buksan ang puso at palalimin ang pagmamahal sa mga refugees o mga taong kinakailangan lumikas sa kanilang sariling tahanan dahil sa pag-iral ng sigalot, digmaan o sakuna.

Ito ang mensahe ni CBCP-ECMI Vice-Chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na paggunita sa June 20 ng World Refugee Day.

Ayon sa Obispo, kawangis ng mga naunang adbokasiya ni Pope Francis ay maisasabuhay ang pagkalinga sa mga refugee sa simpleng pamamaraan ng pagdarasal sa kanilang kabutihan, pag-aaral sa kanilang kinalugmukhang sitwasyon, pagsuporta sa mga organisasyon nagsasagawa ng pagtulong sa refugees, pina-igting na pakikipag kapwa tao at pagpapalakas ng mga hakbang na magsasabatas ng mga polisiyang papabutihin ang kalagayan ng mga refugees.

“I write to you with both a heavy heart for those displaced from their homes and hope inspired by our shared calling to welcome the stranger, This observance takes on special passion as we remember Pope Francis, whose unwavering advocacy for refugees and migrants marked his entire papacy,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Nawa ayon kay Bishop Santos ay patuloy na maisabuhay ang mga katuruan ni Pope Francis tungo sa patuloy na pangangalaga sa mga refugee dahil sila ay malapit sa puso ng yumaong Santo Papa.

Mensahe din ng Obispo sa mga Pilipino na huwag kalimutan ang malalim na kasaysayan ng Pilipinas sa pagtulong sa mga refugee.

Ito ay dahil sa pagkalinga ng Pilipinas sa mga Russian na biktima ng Russian Civil War noong 1920s, pagkalinga sa mga Hudyong sinisiil noon World War II at mga Vietnamese na apektado ng Vietnam War noon 1970s hanggang 80s.

“Let us remember that our Lord Jesus Himself was a refugee child in Egypt. May His experience move our hearts to greater compassion and our hands to more generous action, On this World Refugee Day, let us also commit to being, in Pope Francis’s words, a Church that goes forth to the peripheries, bringing Christ’s love to those most in need of welcome and hope,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ngayong 2025, itinalaga ng Holy See ang pagdiriwang ng World Refugee Day sa temang “Migrants are Missionaries of Hope,” na kahanay sa pagdiriwang ng simbahan sa 2025 bilang Jubilee Year sa temang “Pilgrims of Hope”

Habang sa bahagi ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNCHR), itinalaga naman ito sa temang “Community as a Superpower,” upang higit na maisulong ang kinakailangang pagkakapatiran para sa ikabubuti ng kalagayan ng mga Refugees.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 24,610 total views

 24,610 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 45,591 total views

 45,591 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 68,019 total views

 68,019 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 241,286 total views

 241,286 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 217,144 total views

 217,144 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 3,318 total views

 3,318 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 3,336 total views

 3,336 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top