Paglinang sa karungan at pananampalataya ng kabataan, tiniyak ng Diocese of Novaliches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,246 total views

Tiniyak ng Novaliches Diocesan Catechetical Foundation ang pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa paghuhubog ng karunungan at pananampalataya ng mga bata.
Sa ginanap na Jubilee for Kids ng diyosesis sinabi ni NDCF Director Fr. Eduardo Molina na mahalaga ang mga pagtitipong ginagawa ng simbahan na nakatuon sa mga bata bilang paraan ng pagbibigay ng katesismo at pagpapatibay ng samahan.

“Hindi lang basta activity to enjoy but also it gives the children opportunity for catechesis, to enjoy themselves and the company with each other; this is the effort of the diocese to reach out and care for the children,”
pahayag ni Fr. Molina sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na pinaigting din ng diyosesis ang pagpapadala ng mga full time catechist sa mga parokya lalo na sa mga may nasasakop ng pampublikong paaralan kung saan ito nagtuturo ng catechesis ng hanggang apat na beses kada linggo.

Aniya, ito ay bahagi ng konkretong tugon sa panawagan ng simbahan na paigtingin ang misyon sa mga komunidad kaya’t mahalagang maabot ang mga batang mag-aaral ng elementarya sa bawat lugar na sakop ng diyosesis.

Ayon pa kay Fr. Molina bukod sa pagtuturo ng mga katekista sa public schools may mga formation program ding isinasagawa sa mga parokya tuwing weekend para sa mga bata at kabataan.
“Jesus commissions us to continue His work, itong mga ginagawa ng NDCF, ng ating diocese, ay isa sa mga konkretong paraan of continuing the work in the mission of Jesus especially to children who are the future of our faith, and of the church,” dagdag pa ni Fr. Molina.

Nitong June 1 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon ay nagtipon ang mahigit 1, 000 kabataan sa Mater Carmeli School of Novaliches para sa Jubilee for Kids.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pagdiriwang ng Banal na Misa kasama si Fr. Molina
Katuwang ng NDCF sa programa ang Katolago sa pangunguna ng kanilang Pangulo, Ricci Parto – Dela Cruz kasama ang ilang kasapi ng organisasyon na sina Andrew Dela Cruz at Broadcast Journalist Mariz Umali.

Tampok sa pagdiriwang ang ilang interactive activities sa pangunguna ng mga katekista ng diyosesis at pagkakaroon ng programa tampok ang walong jubilee churches ng Novaliches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 211,287 total views

 211,287 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 241,511 total views

 241,511 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 268,155 total views

 268,155 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 363,128 total views

 363,128 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 370,451 total views

 370,451 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top